Pag-aaral ng Doktrina
Aklat ni Mormon
Ang Aklat ni Mormon ay isa pang patotoo tungkol kay Jesucristo at nagpapatunay sa mga katotohanan na matatagpuan sa Banal na Biblia. Samantalang idinidetalye sa Biblia ang mga kaganapan sa Eastern Hemisphere, idinudokumento naman sa Aklat ni Mormon ang mga buhay ng mga nanirahan sa sinaunang Amerika. Ang aklat ay isinulat ng maraming sinaunang propeta sa pamamagitan ng diwa ng propesiya at paghahayag.
Buod
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Ano ang Aklat ni Mormon?
Ang Aklat ni Mormon ay isa pang patotoo tungkol kay Jesucristo at nagpapatunay sa mga katotohanan na matatagpuan sa Banal na Biblia. Hindi sinasalungat ng Aklat ni Mormon ang Biblia, at sa halip ay sinusuportahan nito ang patotoo ng Biblia tungkol kay Jesucristo. Sinasabi sa isang scripture passage na ang Aklat ni Mormon “ang magpapatibay sa katotohanan” ng Biblia “at ipaaalam sa lahat ng lahi, wika, at tao, na ang Kordero ng Diyos ang Anak ng Amang Walang Hanggan, at ang Tagapagligtas ng sanlibutan; at na ang lahat ng tao ay kinakailangang lumapit sa kanya, o sila ay hindi maaaring maligtas” (1 Nephi 13:40).
Sa mahigit 6,000 talata nito, binanggit si Jesucristo sa Aklat ni Mormon nang halos 4,000 beses at tinukoy sa 100 iba’t ibang pangalan: “Jehova,” “Emmanuel,” “Banal na Mesiyas,” “Kordero ng Diyos,” “Manunubos ng Israel,” at iba pa.
Ang mga aklat na ito ng mga banal na kasulatan ay kapwa tinipong mga turo na itinala ng mga sinaunang propeta. Samantalang idinidetalye sa Biblia ang mga kaganapan sa eastern hemisphere, idinudokumento naman sa Aklat ni Mormon ang mga buhay ng mga nanirahan sa sinaunang Amerika.
Ang aklat ay isinulat ng maraming sinaunang propeta sa pamamagitan ng diwa ng propesiya at paghahayag. “Ang kanilang mga salita na naisulat sa mga laminang ginto ay binanggit at pinaikli ng isang mananalaysay na propeta na nagngangalang Mormon.
“Ang ministeryo ng Panginoong Jesucristo sa mga Nephita pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli ang pinakatampok na pangyayaring natala sa Aklat ni Mormon. Ito ay naghahayag ng mga doktrina ng ebanghelyo, nagbabanghay ng plano ng kaligtasan, at nagsasabi sa mga tao kung ano ang dapat nilang gawin upang matamo ang kapayapaan sa buhay na ito at ang walang hanggang kaligtasan sa buhay na darating.
“Sa takdang panahon, ang mga lamina ay ipinagkaloob kay Joseph Smith, na siyang nagsalin sa mga ito sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. Ang talaan ngayon ay nalalathala sa maraming wika bilang isang bago at karagdagang saksi na si Jesucristo ang Anak ng Diyos na buhay, na ang lahat ng lalapit sa kanya at susunod sa mga batas at ordenansa ng kanyang ebanghelyo ay maaaring maligtas.
“Inaanyayahan namin ang lahat ng tao sa lahat ng dako na basahin ang Aklat ni Mormon, pagbulay-bulayin sa kanilang mga puso ang mensaheng nilalaman nito, at itanong sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, sa pangalan ni Cristo kung ang aklat ay totoo. Yaong mga magpapatuloy sa paraang ito at magtatanong nang may pananampalataya ay magtatamo ng patotoo ng katotohanan at kabanalan nito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. (Tingnan sa Moroni 10:3–5.)
“Yaong mga magtatamo ng banal na patotoong ito mula sa Banal na Espiritu ay malalaman din sa pamamagitan ng yaon ding kapangyarihan na si Jesucristo ang Tagapagligtas ng sanlibutan, na si Joseph Smith ang kanyang tagapaghayag at propeta nitong mga huling araw, at Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kaharian ng Panginoon na muling itinatag sa mundo bilang paghahanda sa ikalawang pagparito ng Mesiyas” (mula sa Pambungad ng Aklat ni Mormon).
Mga Kaugnay na Paksa
-
Aklat ni Mormon at mga Pag-aaral tungkol sa DNA
-
Pagsasalin ng Aklat ni Mormon
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Aklat ni Mormon,” “Ephraim,” “Laminang Ginto, Mga”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Chiao-yi Lin, “Mula sa Paniniwala tungo sa Pagkaalam,” Liahona Enero 2011
Grigor A. Tadevosyan, “Isang Pambihirang Aklat, Isang Pambihirang Sagot,” Liahona, Oktubre 2007
Fábio Henrique N. da Silva, “Ngayon Alam Ko Na,” Liahona, Setyembre 2004
Adam C. Olson, “Nananatiling Matibay sa Paglipas ng Panahon,” Liahona, Pebrero 2004