Library
Mga Banal na Kasulatan


lalaking nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Banal na Kasulatan

Ang pangunahing layunin ng mga banal na kasulatan ay patotohanan si Jesucristo at gabayan ang mga anak ng Diyos upang sila ay makalapit sa Kanya at makatanggap ng buhay na walang hanggan. Ang mga opisyal at inaprubahang banal na kasulatan ng Simbahan, na madalas tawaging mga pamantayang banal na kasulatan, ay ang Biblia, ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas.

Buod

Kapag nagsusulat o nagsasalita ang mga banal na kalalakihan ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang kanilang mga salita ang “magiging mga banal na kasulatan, ang magiging kalooban ng Panginoon, ang magiging kaisipan ng Panginoon, ang magiging salita ng Panginoon, ang magiging tinig ng Panginoon, at ang kapangyarihan ng Diyos tungo sa kaligtasan” (Doktrina at mga Tipan 68:4). Ang mga opisyal at inaprubahang banal na kasulatan ng Simbahan, na madalas tawaging mga pamantayang banal na kasulatan, ay ang Biblia, ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas.

Ang pangunahing layunin ng mga banal na kasulatan ay patotohanan si Cristo at gabayan ang mga anak ng Diyos upang sila ay makalapit sa Kanya at makatanggap ng buhay na walang hanggan (tingnan sa Juan 5:39; 20:31; 1 Nephi 6:4; Mosias 13:33–35). Itinuro ng propetang si Mormon sa Aklat ni Mormon:

“Sinuman ang magnanais ay makayayakap sa salita ng Diyos, na buhay at makapangyarihan, na maghahati-hati sa lahat ng katusuhan, at mga patibong at panlilinlang ng diyablo, at akayin ang tao ni Cristo sa makipot at makitid na daan sa kabila ng yaong walang hanggang look ng kalungkutan na inihanda upang lamunin ang masasama—

“At humantong ang kanilang mga kaluluwa, oo, ang kanilang mga walang kamatayang kaluluwa, sa kanang kamay ng Diyos sa kaharian ng langit, upang umupong kasama ni Abraham, at Isaac, at kasama ni Jacob, at lahat ng ating banal na ama, upang hindi na lumabas pa” (Helaman 3:29–30).

Ang Diyos, na siya ring “kahapon, ngayon, at magpakailanman” (2 Nephi 29:9), ay patuloy na naghahayag ng banal na kasulatan sa makabagong panahon tulad ng ginawa Niya noong unang panahon. Pinapayuhan ng mga propeta sa mga huling araw ang mga tao sa lahat ng dako na pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, kabilang na ang Biblia, ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas. Hinihikayat nila ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan nang mag-isa at kasama ang pamilya. Hinihikayat nila tayo, tulad ng paghihikayat ni Nephi sa kanyang mga kapatid, na ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa ating mga sarili at maghanap ng mga paraan upang maipamuhay natin ngayon ang mga sinaunang sagradong salaysay (tingnan sa 1 Nephi 19:23–24). Hinihikayat nila tayong “[saliksikin] ang mga kasulatan” (Juan 5:39) at “magpakabusog … sa mga salita ni Cristo” (2 Nephi 32:3). Ang araw-araw at makabuluhang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay tumutulong sa mga indibiduwal na maging handang dinggin ang mga bulong ng Espiritu Santo. Ito ay nagpapalakas ng pananampalataya, nagpapatibay laban sa tukso, nagpapalinaw ng pang-unawa, at tumutulong sa mga indibiduwal na mapalapit sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Ang Biblia

Ang Biblia ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Ang Lumang Tipan ay sagradong talaan ng mga pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang mga pinagtipanang tao sa Banal na Lupain. Kasama rito ang mga turo ng mga propetang tulad nina Moises, Josue, Isaias, Jeremias, at Daniel. Nakatala naman sa Bagong Tipan ang pagsilang, mortal na ministeryo, at Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Nagtatapos ito sa ministeryo ng mga disipulo ng Tagapagligtas.

Dahil maraming beses nang naisalin ang Biblia, nakalimbag ito sa iba’t ibang bersyon. Sa Ingles, tinatanggap ng Simbahan ang King James Version ng Biblia bilang banal na kasulatan.

Sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, pinagpipitaganan natin ang Biblia at ang mga sagradong turo nito. Makatatanggap tayo ng lakas, kapanatagan, at patnubay mula sa mga tala sa Biblia tungkol sa pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang mga tao.

Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo

Ang Aklat ni Mormon ay lumabas sa dispensasyong ito ayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ay isang talaan ng mga pakikipag-ugnayan ng Diyos sa mga taong nanirahan sa mga lupain ng sinaunang Amerika. Iniukit ng mga propeta ng Panginoon ang mga orihinal na tala sa mga laminang ginto. Ipinahayag ng Panginoon na naglalaman ang Aklat ni Mormon ng “kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo” (Doktrina at mga Tipan 20:9; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 42:12).

Noong Setyembre 22, 1827, isang anghel na nagngangalang Moroni—ang huling propeta sa Aklat ni Mormon—ang naghatid ng mga talaang ito kay Propetang Joseph Smith. Sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos, isinalin ni Propetang Joseph ang talaan sa wikang Ingles. Mula noon, naisalin na ang Aklat ni Mormon sa maraming iba pang wika.

Ang pangunahing layunin ng Aklat ni Mormon ay hikayatin ang lahat ng tao na “si Jesus ang Cristo, ang Diyos na Walang Hanggan, nagpapatunay ng kanyang sarili sa lahat ng bansa” (pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon). Itinuturo nito na ang lahat ng tao ay “kinakailangang lumapit sa kanya, o sila ay hindi maaaring maligtas” (1 Nephi 13:40). Sinabi ni Joseph Smith na ang Aklat ni Mormon “ang saligang bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay [mapapalapit] sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito, nang higit kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat” (pambungad sa Aklat ni Mormon).

Ang Aklat ni Mormon ay isa pang saksi sa mga katotohanang itinuro sa Biblia. Ipinanumbalik din nito ang “malilinaw at mahahalagang” katotohanang nawala mula sa Biblia dahil sa mga pagkakamali sa pagsasalin o “inalis” sa pagtatangkang “mailigaw nila ang mga tamang landas ng Panginoon” (tingnan sa 1 Nephi 13:24–27, 38–41). Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon “ay magsasama, tungo sa ikalilito ng mga maling doktrina at pag-aalis ng mga pagtatalo, at pagtatatag ng kapayapaan” (2 Nephi 3:12).

Sa huling bahagi ng Aklat ni Mormon, tinuruan tayo ng propetang si Moroni kung paano natin malalaman na totoo ang aklat: “Kapag inyong matanggap ang mga bagay na ito, ipinapayo ko sa inyo na itanong ninyo sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, sa pangalan ni Cristo, kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo; at kung kayo ay magtatanong nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Moroni 10:4; tingnan din sa Moroni 10:3 at Moroni 10:5).

Ang Doktrina at mga Tipan

Ang Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ng mga paghahayag na ibinigay kay Propetang Joseph Smith. Kabilang din dito ang ilang paghahayag na ibinigay sa iba pang mga propeta sa mga huling araw na kasunod ni Joseph Smith. Kakaiba ang aklat na ito ng banal na kasulatan dahil hindi ito pagsasalin ng mga sinaunang talaan. Ito ay mga tinipong paghahayag na ibinigay ng Panginoon sa Kanyang mga piling propeta sa mga huling araw.

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na ang Doktrina at mga Tipan “ang saligan ng Simbahan sa mga huling araw na ito, at isang kapakinabangan sa sanlibutan, ipinakikita na ang mga susi ng mga hiwaga ng kaharian ng ating Tagapagligtas ay muling ipinagkatiwala sa tao” (pambungad sa Doktrina at mga Tipan 70).

Ang Mahalagang Perlas

Ang Mahalagang Perlas ay naglalaman ng aklat ni Moises, aklat ni Abraham, inspiradong pagsasalin ni Propetang Joseph Smith ng kabanata 24 ng Mateo, at ilang mga isinulat ni Propetang Joseph.

Ang aklat ni Moises ay maikling sipi na hango mula sa inspiradong pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia. Ito ay mas kumpletong talaan ng mga isinulat ni Moises sa simula ng aklat ng Genesis sa Lumang Tipan. Ito ay naglalaman ng maraming doktrina at turong nawala mula sa Biblia at nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa plano ng kaligtasan, paglikha sa mundo, at pakikipag-ugnayan ng Panginoon kina Adan at Enoc.

Ang aklat ni Abraham ay pagsasalin ng mga sinaunang talaang nakasulat sa papyrus na napasakamay ng Simbahan noong 1835. Isinalin ni Propetang Joseph Smith ang mga talaan sa pamamagitan ng paghahayag. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga katotohanan tungkol sa Kapulungan sa Langit bago tayo isinilang sa mundo, paglikha sa mundo, likas na katangian ng Diyos, at priesthood.

Ang Joseph Smith—Mateo ay hango (Mateo 24) mula sa inspiradong rebisyon ni Joseph Smith ng Biblia at nagdaragdag sa ating kaalaman sa mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

Kabilang sa mga isinulat ni Joseph Smith sa Mahalagang Perlas ang:

Joseph Smith—Kasaysayan, na hango mula sa kasaysayan ng Simbahan ayon sa Propeta. Ito ay pagsasalaysay ng mga kaganapang humantong sa pagpapanumbalik ng Simbahan, kabilang na ang Unang Pangitain, mga pagdalaw ni Moroni kay Propetang Joseph, pagkuha ng mga laminang ginto, at pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood.

Mga Saligan ng Pananampalataya, na isinulat ni Propetang Joseph Smith bilang mahahalagang pahayag ng paniniwala at doktrina.

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

How Firm a Foundation [Saligang Kaytibay]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Nahihirapan akong pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Bakit ba napakahalagang pag-aralan ang mga ito?Liahona, Disyembre 2016

Rosemary Thackeray, “Isang Resipe para Matuto,” Liahona, Oktubre 2016

Ang mga Banal na Kasulatan ay Nagtuturo at Nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo,” Liahona, Enero 2011

Adam C. Olson, “Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Abril 2011

David A. Edwards, “Ibinuklod sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos,” Liahona, Hunyo 2010

Sandra Tanner at Cristina Franco, “Journal ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Enero 2010

Gawing Masigla ang Pag-aaral ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Agosto 2008

Linda Christensen, “Ang Kapangyarihang Natatamo Ko Tuwing Magbabasa Ako,” Liahona, Pebrero 2008

Jennifer Jensen, “Mga Banal na Kasulatan sa Maleta,” Liahona, Hunyo 2004

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika