Oras ng Pagbabahagi
Journal ng Banal na Kasulatan
Maligtas sa pagkakasala.
Sa kapangyarihan ng salita.
Araw-araw Ay kailangan
Bisa ng banal na kasulatan.1
Ang mga banal na kasulatan ay talaan ng mga turo at pakikitungo ng Diyos sa Kanyang mga anak. Ang journal na banal na kasulatan ay sarili ninyong aklat kung saan maisusulat ninyo kung paano mo natututuhang maunawaan at ipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo. Bawat buwan sa taong ito ay matututuhan ninyo ang isang banal na kasulatan at sanaying gawin ang itinuturo nito. Tutulungan kayo ng Ama sa Langit sa pagpili ninyong matutuhan at ipamuhay ang mga banal na kasulatan. Madarama ninyo ang kapangyarihan ng mga banal na kasulatan, at lalago ang inyong patotoo.
Paano Gamitin ang Inyong Journal ng Banal na Kasulatan
Gumawa o bumili ng isang notebook na hindi kukulangin sa 12 pahina. Ang mga isyu ng Liahona sa taong ito ay maglalaman ng isang banal na kasulatan at mga aktibidad na gagawin ninyo sa inyong journal ng banal na kasulatan. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagbabasa, pagsusulat, o pag-unawa sa banal na kasulatan o aktibidad, maaari kayong magpatulong sa inyong mga magulang, kuya o ate, kaibigan, o guro sa Primary.
Enero 2010 Journal ng Banal na Kasulatan
Basahin ang unang saligan ng pananampalataya. Makikita ninyo ito sa Mahalagang Perlas.
Magdasal upang malaman na totoo ang saligan na ito ng pananampalataya. Hilingin na madama ninyo ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Ang pagmamahal na ito ay tinatawag na pag-ibig sa kapwa-tao.
Isaulo ang saligan ng pananampalataya.
Piliin ang isa sa mga aktibidad na ito, o lumikha ng sariling inyo:
-
Tulungan ang isang tao na matutuhan ang banal na kasulatang ito.
-
Ipagdasal na madama ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos.
-
Kapag nadarama natin ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, naniniwala tayo sa Kanila. Naniniwala tayo na mga anak tayo ng Diyos. Ipinakikita natin na naniniwala tayo na Siya ang ating Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Kanya sa mga natatanggap nating pagpapala. Kapag nakikita ninyo ang inyong doorknob tag (tingnan sa pahina 67), isipin ang mga pagpapalang natanggap ninyo sa araw na iyan.
Paano nakatutulong ang ginawa ninyo para maunawaan ang banal na kasulatang ito?Isulat sa iyong journal ang tungkol sa ginawa mo, o idrowing ang nadarama mo ngayong alam mo na mahal ka ng Ama sa Langit at ni Jesus
.
Gumawa ng Doorknob Tag
Gupitin ang doorknob tag sa ibaba. Itupi ang doorknob tag sa tulduk-tuldok na linya. Isipin ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo ng Ama sa Langit, at isulat sa listahan ang ilan sa mga ito. Isabit ang doorknob tag kung saan madalas ninyo itong makikita.