2010
Hong Kong
Enero 2010


Kasaysayan ng Simbahan sa Buong Mundo

Hong Kong

Ang China ay inilaan para sa pangangaral ng ebanghelyo noong Enero 9, 1921, sa Beijing ni Elder David O. McKay (1873–1970) na miyembro noon ng Korum ng Labindalawang Apostol. Gayunman, hanggang sa lungsod lamang ng Hong Kong ang gawaing misyonero. Noong 1949 binuksan ni Elder Matthew Cowley (1897–1953) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang misyon nang may panalangin sa Victoria Peak—ang pinakamataas na lugar kung saan tanaw ang buong lungsod.

Natapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa Chinese noong 1965, na sinundan ng Doktrina at mga Tipan noong 1974. Ang Hong Kong China Temple ang unang templo sa mundo na itinayo para magamit sa iba pang paraan. Ang gusali ay mayroon ding isang kapilya, mga mission office, at tahanan ng temple president.

Nang ibalik ang Hong Kong sa pamamahala ng Tsina mula sa pamamahala ng Britanya noong 1997, ang Hong Kong Mission ay naging China Hong Kong Mission.

Ayon sa mga Bilang

Mga Miyembro sa Hong Kong

22,939

Mga Mission

1

Mga Stake

4

Mga District

1

Mga Ward at Branch

32

Mga Templo

1

Si Elder Matthew Cowley, isang Apostol, ang nagbukas ng Hong Kong Mission noong 1949.

Ang Hong Kong China Temple.