2010
Ang Salt Lake Temple
Enero 2010


Pagbisita sa Temple Square

Ang Salt Lake Temple

Samahan ninyo kami sa pagbisita sa mahahalagang lugar sa Temple Square.

Isang napakalamig na araw sa Enero. Ang mga tore ng Salt Lake Temple ay nababalot ng bagong patak na niyebe. Pero mas sabik si Kate kaysa giniginaw. Bumiyahe siya papuntang Temple Square mula sa kanilang tirahan sa Logan, Utah, para mamasyal sa palibot ng Salt Lake Temple.

Ito ay sagradong lugar, na may kamangha-manghang mga bagay na makikita at matututuhan.

Ang ginintuang estatwa ni Moroni ay nasa tuktok ng pinakamataas na tore. Sa ibaba, nakaukit sa granito, ang mga salitang “Kabanalan sa Panginoon.”

Ang mga granitong dingding ng templo ay inukitan ng mga hugis ng araw, ng buwan, ng mundo, mga ulap, at mga bituin.

Ang Big Dipper ay inukit na nakaturo sa direksyon ng totoong Bituin sa Hilaga.

Ilang taon bang ginawa ng mga pioneer ang templo? Nakita ni Kate ang sagot sa mga tansong hawakan ng malalaking pintuang kahoy ng templo.

Ang ilan sa mga dingding ng templo ay anim na talampakan (2 m) ang kapal!

Mga larawang kuha ni Craig Dimond, maliban kung iba ang nakasaad; kabilang pahina: mga paglalarawan ni Dilleen Marsh; larawan ng Salt Lake Temple baptistry na kuha ni Welden C. Andersen; gitna: larawan ng templo na kuha ni Greg Frei; kaliwa: larawan ng konstruksyon ng templo sa kagandahang-loob ng Church History Library; larawan ng mga kagamitan na kuha ni Lana Leishman