2010
Ang Ating Pahina
Enero 2010


Ang Ating Pahina

Ang mga bata sa Primary sa Tlaxcallan Ward, Chiautempan Mexico Stake ay naglaan ng dalawang araw na pagbisita at naglingkod sa mga balong kababaihan at iba pang mga pamilya sa ward. Kumanta sila ng mga himno, tumulong sa pagpapakain ng mga manok, at tumulong sa gawaing-bahay sa ilang mga tahanan.

Noong Nobyembre 2008 sa Brazil, nagkaroon ng baha na may kasamang pag-ulan at mga pagguho ng lupa. Sa eskwelahan nabigyan kami ng flyer na humihingi ng mga donasyon. Nagbigay ako ng isang sako ng mga gamit kasama ang isang laruang fire truck at dalawang police car.

Inacio F., edad 4, Brazil

Gusto kong tulungan ang isa sa mga kaklase ko sa eskwelahan. Alessandro ang pangalan niya, at kailangan niya ng maraming tulong. Malapit siya sa aming mga titser dahil sa kanyang mga pangangailangan, at tinutulungan ko siyang gawin ang mga ipinagagawa ng aming mga titser.

Martina Z.,edad 7, Italy

Masaya kami kapag kumakanta kami ng mga awitin sa Primary sa simbahan kasama ang aming nanay. Nakakatulong ang pagkanta para madama ang Espiritu, at mas maganda kung nasa sa atin ang Espiritu sa sacrament meeting.

Sephora B., edad 8, at Sariah B., edad 10, Guadeloupe

Andrés O., edad 9, Costa Rica

Mapagmahal na Pinsan

Dinala sa ospital ang pinsan ko dahil sa matinding pananakit ng tiyan. Maraming pagsusuri ang kailangang gawin sa kanya. Sumulat ako sa kanya at sinabing lakasan niya ang loob niya at ipagdarasal ko siya. Nagdala rin ako ng magandang aklat at pasalubong sa ospital. Nang umalis kami, napakaganda ng pakiramdam ko. Alam ko na kung gagawa tayo ng mabubuting bagay para sa iba gaganda ang ating pakiramdam at sasaya ang ating Ama sa Langit.

Jake S., edad 7, Alberta, Canada

Tamang Oras ng Pagbalik

Lumalangoy kami noon sa pool sa isang hotel at may nakita kaming pocket watch sa ilalim ng pool. Tinanong namin ang maraming tao kung sila ang may-ari ng relo. Hindi ang sagot nilang lahat. Pagkatapos ng maghapon, nadama naming dapat kaming magpunta muli sa pool na dala ang relo. May isang pamilya sa swimming pool. Tinanong namin kung sa kanila ang relo. Sa kanila raw ito, at buong linggo na nilang hinahanap ito. Sa tatay nila ito, at mamahalin ito. Natutuwa ako na pinakinggan namin ang Espiritu Santo para maibalik ang relo.

Huntley, Sarabeth, at Caelin C., mga edad 10, 9, at 7, California, USA

Pagsasalarawan ng relo ni Joe Flores