2010
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Enero 2010


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na maaaring gamitin para sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.

“Paglikha ng mga Bundok,” p. 32: Inihahalintulad ng artikulong ito ang pagdaig sa mga hamon sa pag-akyat sa isang bundok. Makalilikha kayo ng isang aktibidad, tulad ng pag-akyat sa burol o hagdan, na makatutulong sa mga kapamilya na maalala at maisagawa ang alituntunin.

“Tinulungan ng Espiritu,” p. 44: Matapos ninyong basahin nang magkakasama ang artikulong ito, makapagbabahagi ang mga miyembro ng pamilya ng mga naranasan nila nang pagpalain sila dahil sa pagsunod sa mga paramdam ng Espiritu.

“Pananalangin para sa Sagot,” p. 56: Gamit ang artikulo bilang pambungad, maaanyayahan ninyo ang inyong pamilya na magbahagi ng mga karanasan nila sa pagtanggap ng mga sagot sa panalangin.

“Ang Bilog na Kendi,” p. 62: Ang isang paraan para matulungan ang maliliit na bata na makinig na mabuti kapag family home evening ay mag-iba-iba ng boses at hitsura kapag nagkukuwento (tingnan sa Pagtuturo, Walang Higit na Dakilang Tungkulin, 238). Malalaman ninyong mabisang paraan ito sa pagbabasa o muling pagkukuwento ng “Ang Bilog na Kendi” sa maliliit na bata.

“Ako’y Masusumpungan sa Inyo,” p. 80: Ang isang nakatutuwang aktibidad na maaaring gawin bilang pamilya ay ang taguan, at pagkatapos ay ikuwento ang pangakong nasa Jeremias 29:13: “At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.”