Tampok na Templo
Cardston Alberta Temple
Inilaan ni Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918) ang pagtatayuan ng templo sa Cardston, Alberta, Canada, noong Hulyo 27, 1913. Ito ay isang lumang tabernacle square, na orihinal na ibinigay sa Simbahan ni Charles Ora Card na nagtatag ng pamahayan noong 1887, nang dumating ang unang nandarayuhang mga Banal. Inilagay ni Elder David O. McKay (1873–1970) na miyembro noon ng Korum ng Labindalawang Apostol ang batong panulok noong Setyembre 19, 1915. Inilaan ni Pangulong Heber J. Grant (1856–1945) ang gusali noong Agosto 26, 1923.
Ang templo ay yari sa off-white granite na mula sa tibagan ng bato malapit sa Nelson, British Columbia. Isang tunay na muog ng Diyos sa kalakasang espirituwal gayundin sa pisikal na anyo nito, natatanaw mula sa Cardston Alberta Temple ang kaparangan sa lahat ng dako ng Canada.