2010
Ang Bisa ng Isang Tanong
Enero 2010


Ang Bisa ng Isang Tanong

Itinanong ng kaibigan ko kung bakit hindi kami dumadalo ng kapatid kong lalaki sa mga religion class. Ang tanong na iyon ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang tungkol sa ebanghelyo.

Naging magkaibigan kami ni Kerstin noong 14 na taong gulang ako. Pareho kami ng es-kwelahan. Matagal ko na siyang kilala, pero hindi ko siya personal na nakilala noon dahil 12 pa lang siya.

Nagkakilala lang kami nang husto nang pareho kaming sumubok sumali sa isang dula-dulaan sa eskwela. Naging matalik kaming magkaibigan, kahit na dalawang taon ang agwat naming dalawa. Hindi nagtagal palagi na kaming nagkikita sa hapon para mamasyal at magkuwentuhan. Isang hapon sa tagsibol, sa isa sa aming pamamasyal, may itinanong siyang isang bagay na habang panahong magpapabago sa kanyang buhay.

Nagtataka si Kerstin kung bakit hindi kami dumadalo ng kapatid kong lalaki sa religion class sa eskwelahan tulad ng karamihan sa mga estudyante sa Austria. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at ang tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pagkatapos ay nagpatotoo ako at inimbitahan ko siyang dumalo sa isang aktibidad ng mga kabataan. Kalaunan binigyan ko siya ng kopya ng Aklat ni Mormon at ng Liahona.

Mula noon sumali na si Kerstin sa bawat aktibidad ng Simbahan at dumadalo sa mga miting sa Simbahan tuwing Linggo. Dumalo rin siya sa youth conference. Sa tuwing may pagkakataon, namamasyal kami sa kalapit na maliit na ilog para magbasa ng mga banal na kasulatan o isagawa ang Personal na Pag-unlad ng Young Women.

Sa kasamaang palad, hindi maaaring binyagan si Kerstin hangga’t hindi pa siya 18 anyos. Umiiwas ang kanyang mga magulang na makipagtalo sa kanilang mga kamag-anak. Sa kabila ng hadlang na ito, naisama na ni Kerstin ang kanyang Inay sa simbahan.

Sumasama rin si Kerstin sa mga misyonero. Binabanggit niya ang tungkol sa Simbahan sa lahat ng makilala niya at natulungan ang kanyang ama na magkaroon ng interes sa family history program, kahit hindi ito interesado sa relihiyon.

Si Kerstin ay isang halimbawa sa akin kung gaano kadaling makipag-usap sa iba tungkol sa ebanghelyo at paano inihahanda ng Ama sa Langit ang mga tao na makinig sa Kanyang salita. Kailangan lang nating buksan ang ating mga bibig at manampalataya. Magiging maayos ang iba pang mga bagay.

paglalarawan ni Amy Thompson