Para sa Maliliit na Bata
Pagtuturo sa Guro ni Tanner
“Nais ko nang maging misyonero. ‘Di na mahintay ang paglaki” (“Nais Ko nang Maging Misyonero,” Aklat ng mga Awit Pambata, 90).
1. Isang araw kumuha si Tanner ng isang larawan ni Jesus. Gusto niya ang larawan. Gusto niyang ipakita ito sa iba. Alam niya na hindi lahat ay may alam tungkol kay Jesus.
2. “Inay, puwede ko po bang ibigay sa iba ang larawan ni Jesus?” tanong ni Tanner.
“Sige,” sabi ni Inay. “Kanino mo iyan ibibigay?”
“Ibibigay ko po ito sa aking guro na si Mrs. Young. Gusto ko po siya kasi binabasahan niya ako ng maraming kuwento.”
“Magandang ideya iyan,” sabi ni Inay. “Ipinagmamalaki kita.”
3. Nang dumating na si Tanner sa preschool, ibinigay niya ang larawan kay Mrs. Young. Masaya ang guro na nagkaroon siya ng larawan ni Jesus. Masaya si Tanner dahil nagustuhan ito ng guro.
4. Makalipas ang ilang araw, gumawa si Tanner at ang kanyang pamilya ng isang aklat na parang laminang ginto na Aklat ni Mormon. Pagkatapos ay isinulat nila ang kanilang mga patotoo sa aklat.
“Inay, puwede po bang dalhin ko ang ating aklat sa eskwelahan para ipakita kay Mrs. Young?” tanong ni Tanner.
“Oo naman,” sabi ni Inay.
5. Kinabukasan sa eskwelahan, dala ni Tanner sa kanyang backpack ang mga laminang ginto ng kanyang pamilya. Ikinuwento niya kay Mrs. Young ang tungkol sa aklat na ginawa ng kanyang pamilya. Talagang interesado ang guro ni Tanner.
6. Nang sunduin ni Inay si Tanner sa eskwelahan nang araw na iyon, lumabas ang kanyang guro para kausapin ang nanay ni Tanner.
“Nagdala si Tanner ngayon ng isang magandang bagay,” sabi ni Mrs. Young. “Maaari bang magkuwento ka pa tungkol dito?”
“Gusto ba ninyong maghapunang mag-asawa sa aming bahay?” tanong ni Inay. “Para makapag-usap tayo nang matagal.”
“Magandang ideya iyan,” sabi ni Mrs. Young.
7. Makalipas ang ilang buwan, dumalo si Tanner at ang kanyang nanay sa binyag nina Mr. at Mrs. Young.
“Masayang-masaya ako na naibigay ko ang larawan ni Jesus sa aking titser,” sabi ni Tanner.
“Alam kong masaya rin siya,” sabi ni Inay. “Ikaw ang malaking dahilan kung bakit bininyagan ngayon si Mrs. Young at ang kanyang asawa.”
8. Masaya si Tanner habang pinapanood ang pagbibinyag kay Mrs. Young. Ngumiti siya nang humilig si Inay at bumulong, “Magagaling na misyonero ang mga apat-na-taong-gulang!”