Maiikling Balita sa Buong Mundo
Naragdagan ang Koleksyon ng mga Sensus sa Canada
Idinagdag ng FamilySearch ang mga naka-index na 1851, 1861, at 1871 sensus sa Canada sa online na koleksyon nito na kinabibilangan na ng mga sensus noong 1881 at 1916 sa Canada. May mga planong idagdag ang 1891 sensus sa Canada sa lalong madaling panahon. Ang nasasaliksik na mga online database, na makikita sa FamilySearch.org, ay naglalaman ng mga 17 milyong rekord. Ang libreng pag-access ng publiko sa naka-index nang mga sensus ay magpapadali sa mga tao na mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng kanilang pamilya.
Nakakatulong ang Paglilingkod sa mga Batang Taga Detroit
Ang lungsod sa loob ng Detroit, Michigan, USA, ay kilala sa krimen, gang, at paggamit ng droga. Dahil maraming walang trabaho at kakaunti lang ang mga nakatapos sa pag-aaral sa lugar, nakipagtulungan ang Bloomfield Hills Michigan Stake sa Unity Church upang tulungan ang mga batang nag-aaral bilang bahagi ng Neighborhoods Day sa buong lungsod ng Detroit. Nagtipon ang dalawang grupo at namigay ng mahigit 250 bag na kumpleto ng mga notebook, lapis, krayola, pambura, at iba pang mga gamit sa pag-aaral.
Nakaligtas ang mga Miyembro sa Napakalaking Sunog
Nilisan ng mahigit 70 miyembro ng Simbahan ang kanilang mga tahanan, marami sa kanila ang tumuloy sa iba nilang kamag-anak, dahil sa napakalaking sunog sa Utah at California, USA, noong Setyembre 2009. Natupok ng apoy ang mahigit 123,000 ektarya (50,000 ha) sa mga lugar ng Sacramento at Los Angeles, California, at kumitil ng dalawang bumbero at sumira ng mahigit 100 gusali. Sa lugar ng New Harmony, Utah, tinupok ng apoy ang mahigit sa 10,000 ektarya (4,000 ha) at ilang mga gusali. Sa dalawang estado, tinulungan ng lokal na mga lider ng priesthood ang mga apektadong miyembro.