Library
Patotoo


babaeng nagsasalita sa simbahan

Pag-aaral ng Doktrina

Patotoo

Ang patotoo ay isang espirituwal na patunay na ibinibigay ng Espiritu Santo. Ang pundasyon ng patotoo ay ang kaalaman na buhay ang Ama sa Langit at mahal Niya ang Kanyang mga anak; na si Jesucristo ay buhay, na Siya ang Anak ng Diyos, at na Siya ang nagsakatuparan ng walang hanggang Pagbabayad-sala; na si Joseph Smith ang propeta ng Diyos na tinawag upang ipanumbalik ang ebanghelyo; na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang totoong Simbahan ng Tagapagligtas sa lupa; at na ang Simbahan ay pinamumunuan ng isang buhay na propeta ngayon.

Buod

Ang patotoo ay isang espirituwal na patunay na ibinibigay ng Espiritu Santo. Ang pundasyon ng patotoo ay ang kaalaman na buhay ang Ama sa Langit at mahal Niya ang Kanyang mga anak; na si Jesucristo ay buhay, na Siya ang Anak ng Diyos, at na Siya ang nagsakatuparan ng walang hanggang Pagbabayad-sala; na si Joseph Smith ang propeta ng Diyos na tinawag upang ipanumbalik ang ebanghelyo; na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang totoong Simbahan ng Tagapagligtas sa lupa; at na ang Simbahan ay pinamumunuan ng isang buhay na propeta ngayon. Sa pundasyong ito, lumalakas ang patotoo pati na sa lahat ng alituntunin ng ebanghelyo.

Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay may sagradong oportunidad at responsibilidad na magkaroon ng sarili nilang mga patotoo. Pagkatapos magkaroon ng patotoo, responsibilidad ng bawat miyembro na pangalagaan ito habambuhay. Ang kaligayahan sa buhay na ito at sa buong kawalang-hanggan ay lubos na nakasalalay sa kung ang mga indibiduwal ay “matatatag sa pagpapatotoo kay Jesus” (Doktrina at mga Tipan 76:79; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 76:51, 74, 101). Lumalakas ang patotoo sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga sumusunod na alituntunin:

Ang pagnanais na magkaroon ng patotoo ay nagsisimula sa mabuti at tapat na hangarin. Sa pagsasalita sa isang grupo ng mga taong wala pang patotoo sa ebanghelyo, itinuro ni Alma: “Kung kayo ay gigising at pupukawin ang inyong kaisipan, maging sa isang pagsubok sa aking mga salita, at gagamit ng kahit bahagyang pananampalataya, oo, kahit na wala kayong higit na nais kundi ang maniwala, hayaan na ang pagnanais na ito ay umiral sa inyo, maging hanggang sa kayo ay maniwala sa isang pamamaraan na kayo ay magbibigay-puwang para sa isang bahagi ng aking mga salita” (Alma 32:27).

Ang patotoo ay nagmumula sa payapang impluwensya ng Espiritu Santo. Ang mga bunga ng patotoo ay maaaring maging mahimala at nagpapabago ng buhay, ngunit ang kaloob na patotoo ay karaniwang dumarating bilang payapang katiyakan, nang walang kagila-gilalas na pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Kahit si Alma, na dinalaw ng isang anghel at nakita ang Diyos na nakaupo sa Kanyang trono, ay kinailangang mag-ayuno at manalangin upang makatanggap ng patotoo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (tingnan sa Alma 5:45–46; 36:8, 22).

Ang patotoo ay unti-unting lumalakas sa pamamagitan ng mga karanasan. Walang sinumang nagkakaroon ng lubos na patotoo sa isang iglap lamang. Ito ay lumalakas kapag ang mga indibiduwal ay nagpapakita ng kahandaang maglingkod sa Simbahan at mag-aral, manalangin, at matuto. Ito ay nag-iibayo kapag sumusunod ang mga indibiduwal sa mga kautusan ng Diyos. Ang patotoo ay lumalakas kapag ibinabahagi ito.

Bahagi ng paglakas ng patotoo ang pagbabahagi nito. Sa Simbahan, ang patotoo ay madalas na ibinabahagi sa mga miting ng pag-aayuno at pagpapatotoo, sa mga klase sa Simbahan, at sa pakikipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Magpatotoo

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Patotoo

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

How Firm a Foundation [Saligang Kaytibay]

I Believe in Christ [Ako’y Naniniwala Kay Cristo]

My Redeemer Lives [Ang Manunubos Ko’y Buhay]

O Divine Redeemer

The Spirit of God [Espiritu ng Diyos]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Robert D. Hales, “Paano ako magkakaroon ng sarili kong patotoo?Liahona, Enero 2016

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika