Pag-aaral ng Doktrina
Kapulungan sa Langit
Sa premortal na buhay, tumawag ng Malaking Kapulungan ang ating Ama sa Langit upang ilahad ang Kanyang plano para sa ating pag-unlad (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 242, 598). Nalaman natin na kung susundin natin ang Kanyang plano, magiging katulad Niya tayo.
Buod
Sa premortal na buhay, tumawag ng Malaking Kapulungan ang ating Ama sa Langit upang ilahad ang Kanyang plano para sa ating pag-unlad (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 242, 598). Nalaman natin na kung susundin natin ang Kanyang plano, magiging katulad Niya tayo. Tayo ay mabubuhay na mag-uli; tataglayin natin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa; magiging mga magulang tayo sa langit at magkakaroon ng mga espiritung anak na katulad Niya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132:19–20).
Nalaman natin na maglalaan Siya ng isang mundo para sa atin kung saan patutunayan natin na karapat-dapat tayo (tingnan sa Abraham 3:24–26). Matatakpan ng lambong o tabing ang ating alaala, at malilimutan natin ang ating tahanan sa langit. Kakailanganin ito para magamit natin ang kalayaan nating pumili ng mabuti o masama nang hindi naiimpluwensyahan ng alaala ng pamumuhay sa piling ng ating Ama sa Langit. … Tutulungan Niya tayong makilala ang katotohanan kapag muli natin itong narinig sa mundo (tingnan sa Juan 18:37).
Sa Malaking Kapulungan nalaman din natin ang layunin para sa ating pag-unlad: upang magkaroon ng lubos na kagalakan. Gayunman, nalaman din natin na ang ilan ay malilinlang, pipiliin ang ibang landas, at maliligaw. Nalaman natin na lahat tayo ay magkakaroon ng mga pagsubok sa buhay: karamdaman, kabiguan, pasakit, kalungkutan, at kamatayan. Ngunit naunawaan natin na ibibigay sa atin ang mga ito para sa ating karanasan at ikabubuti (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 122:7). Kung haharapin natin ang mga ito, dadalisayin tayo ng mga pagsubok na ito sa halip na dadaigin (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 17–21).
Sa kapulungang ito nalaman din natin na dahil sa ating kahinaan, lahat tayo maliban sa maliliit na bata ay magkakasala (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:46–47). Nalaman natin na maglalaan ng isang Tagapagligtas para sa atin upang madaig natin ang ating mga kasalanan at ang kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli. Nalaman natin na kung sasampalataya tayo sa Kanya, na sinusunod ang Kanyang salita at tinutularan ang Kanyang halimbawa, tayo ay dadakilain at magiging katulad ng ating Ama sa Langit. Tatanggap tayo ng ganap na kagalakan.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Satanas
-
Mga Espiritung Anak ng mga Magulang sa Langit
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kapulungan sa Langit”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
“Si Jesucristo ang Sentro sa Plano ng Ama sa Langit,” Liahona Pebrero 2010
“Ang Kabuuan ng Ebanghelyo: Buhay Bago Tayo Isinilang,” Liahona Pebrero 2006