Library
Buhay Bago Isilang sa Mundo


ang mundo sa kalawakan

Pag-aaral ng Doktrina

Buhay Bago Isilang sa Mundo

Ang premortal na buhay ay tumutukoy sa ating buhay bago tayo isinilang sa mundong ito. Sa ating buhay bago tayo isinilang sa mundo, nanirahan tayo sa kinaroroonan ng Ama sa Langit bilang Kanyang mga espiritung anak. Wala tayo noong pisikal na katawan na katulad ng sa Kanya. Sa buhay na ito bago tayo isinilang sa mundo, dumalo tayo sa isang kapulungan kasama ang iba pang mga espiritung anak ng Ama sa Langit. Sa kapulungang iyon, inilahad ng Ama sa Langit ang Kanyang dakilang plano ng kaligayahan.

Buod

Ang premortal na buhay ay tumutukoy sa ating buhay bago tayo isinilang sa mundong ito. Sa ating buhay bago tayo isinilang sa mundo, nanirahan tayo sa kinaroroonan ng Ama sa Langit bilang Kanyang mga espiritung anak. Wala tayo noong pisikal na katawan.

Sa buhay na ito bago tayo isinilang sa mundo, dumalo tayo sa isang kapulungan kasama ang iba pang mga espiritung anak ng Ama sa Langit. Sa kapulungang iyon, inilahad ng Ama sa Langit ang Kanyang dakilang plano ng kaligayahan (tingnan sa Abraham 3:22–26).

Alinsunod sa plano ng kaligayahan, bago isinilang sa mundo si Jesucristo, ang Panganay na Anak ng Ama sa espiritu, nakipagtipan Siya na maging Tagapagligtas (tingnan sa Moises 4:2; Abraham 3:27). Ang mga yaong sumunod sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay tinulutang pumarito sa mundo upang makaranas ng mortalidad at umunlad tungo sa buhay na walang hanggan. Si Lucifer, isa pang espiritung anak ng Diyos, ay naghimagsik laban sa plano at “naghangad na wasakin ang kalayaan ng tao” (Moises 4:3). Siya ay naging si Satanas, at siya at ang kanyang mga alagad ay pinalayas sa langit at pinagkaitan ng pribilehiyong makatanggap ng pisikal na katawan at makaranas ng mortalidad (tingnan sa Moises 4:4; Abraham 3:27–28).

Sa buong buhay natin bago tayo isinilang sa mundo, napaunlad natin ang ating mga katangian at napalago natin ang ating mga espirituwal na kakayahan. Pinagpala ng kaloob na kalayaang pumili, nakagawa tayo ng mahahalagang pasiya, tulad ng pasiyang sundin ang plano ng Ama sa Langit. Ang mga pasiyang ito ay nakaapekto sa ating buhay noon at ngayon. Umunlad tayo sa katalinuhan at natutuhan nating mahalin ang katotohanan, at naghanda tayong pumarito sa mundo, kung saan maaari tayong patuloy na umunlad.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

NaN:NaN

“Nabuhay Tayo sa Piling ng Diyos”

3:46

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Norman W. Gardner, “Ang Alam Natin tungkol sa Buhay Bago Tayo Isinilang,” Liahona, Pebrero 2015

Itinuturo ng Ebanghelyo ni Jesucristo ang Katunayan ng Ating Buhay Bago ang Buhay na Ito,” Liahona, Hunyo 2008

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo