Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Enero 7–13. Mateo 1; Lucas 1: ‘Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita’


“Enero 7–13. Mateo 1; Lucas 1: ‘Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Enero 7–13. Mateo 1; Lucas 1,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2019

Maria at Elisabet

Enero 7–13

Mateo 1; Lucas 1

“Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita”

Habang binabasa at pinagninilayan mo ang Mateo 1 at Lucas 1, itala ang mga espirituwal na impresyong natatanggap mo. Anong mga katotohanan ukol sa doktrina ang nakikita mo? Anong mga mensahe ang magiging pinakamahalaga sa iyo at sa pamilya mo? Maaari kang matulungan ng mga ideya sa pag-aaral sa outline na ito na makatuklas ng karagdagang mga ideya.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Mula sa pananaw ng isang mortal, imposible ito. Hindi maaaring maglihi ang isang birhen. Ni ang isang babaeng baog na lampas-lampas na sa panahon ng pagdadalantao. Pero may plano ang Diyos para sa pagsilang ng Kanyang Anak at ni Juan Bautista, kaya sina Maria at Elisabet, sa kabila ng anumang balakid o problema sa mundo, ay parehong naging mga ina. Makakatulong na alalahanin ang kanilang mahimalang mga karanasan tuwing mahaharap tayo sa isang bagay na tila imposible. Madaraig ba natin ang ating mga kahinaan? Maaantig ba natin ang puso ng isang miyembro ng pamilya na hindi interesado sa ebanghelyo? Si Gabriel ay malamang na nagsasalita sa atin nang ipaalala niya kay Maria na, “Walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan” o walang imposible sa Diyos (Lucas 1:37). At ang sagot ni Maria ay maaaring siya ring sagot natin kapag inihahayag ng Diyos ang Kanyang kalooban: “Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita” (Lucas 1:38).

icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Ang mga Ebanghelyo nina Mateo at Lucas

Sino sina Mateo at Lucas?

Si Mateo ay isang Judiong publikano, o maniningil ng buwis, na tinawag ni Jesus bilang isa sa Kanyang mga Apostol (tingnan sa Mateo 10:3; tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Maniningil ng Buwis”). Isinulat ni Mateo ang kanyang Ebanghelyo na higit sa lahat ay para sa mga kapwa Judio; dahil dito, pinili niyang bigyang-diin ang mga propesiya sa Lumang Tipan tungkol sa Mesiyas na nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng buhay at ministeryo ni Jesus.

Si Lucas ay isang gentil (hindi Judio) na manggagamot na naglakbay kasama ni Apostol Pablo. Isinulat niya unang-una ang kanyang Ebanghelyo nang mamatay ang Tagapagligtas para sa mga mambabasang hindi Judio. Nagpatotoo siya tungkol kay Jesucristo bilang Tagapagligtas kapwa ng mga Gentil at ng mga Judio. Itinala niya ang nasaksihan niyang mga pangyayari sa buhay ng Tagapagligtas, at nagsama ng mas maraming kuwento tungkol sa kababaihan kumpara sa ibang mga Ebanghelyo.

Tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ebanghelyo, mga,” “Mateo,” “Lucas.”

Mateo 1:18–25; Lucas 1:28–35

Bakit kinailangang isilang ang Tagapagligtas sa isang mortal na ina at isang imortal na Ama?

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson na ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay “kinailangan ng personal na sakripisyo ng isang imortal na nilalang na hindi saklaw ng kamatayan. Gayunman kailangan Siyang mamatay at kuning muli ang Kanyang sariling katawan. Ang Tagapagligtas lamang ang makagagawa nito. Mula sa Kanyang mortal na ina ay namana Niya ang katangiang mamatay. Mula sa Kanyang Ama ay natamo Niya ang kapangyarihang madaig ang kamatayan” (“Constancy amid Change,” Ensign, Nob. 1993, 34).

Lucas 1:5–25, 57–80.

Dumarating ang mga pagpapala ng Diyos sa Kanyang sariling panahon.

Anuman ang mga dahilan, ang takdang panahon ng Diyos ay nangahulugan na ang pagpapalang hinangad nina Elisabet at Zacarias, ang magkaanak, ay dumating nang mas matagal kaysa inaasahan nila. Kung natagpuan mo ang sarili mo na naghihintay sa isang pagpapala, o kung tila hindi naririnig ng Diyos ang iyong mga panalangin, ang kuwento nina Elisabet at Zacarias ay maaaring maging paalaala na hindi ka Niya nalilimutan. May plano Siya para sa iyo, at lagi Niyang tinutupad ang Kanyang mga pangako sa Kanyang matwid na mga Banal. Tulad ng ipinangako ni Elder Jeffrey R. Holland, “May mga biyayang dumarating kaagad, kung minsa’y huli na, kung minsa’y hindi na dumarating hangga’t hindi kayo nakapupunta sa langit; subalit para sa mga yumayakap sa ebanghelyo ni Jesucristo, dumating na ito”(“Dakilang Saserdote ng mga Mabubuting Bagay na Darating” Liahona, Ene. 2000, 42). Paano nanatiling matapat sina Zacarias at Elisabet? (tingnan sa Lucas 1:5–25, 57–80). Natatagpuan mo ba ang sarili mo na naghihintay sa isang pagpapala? Ano sa palagay mo ang inaasahan ng Panginoon sa iyo habang naghihintay ka?

Ano kaya ang iba pang mga mensahe ng Panginoon para sa iyo sa kuwentong ito?

Sina Elisabet at Zacarias kasama ang sanggol na si Juan

Matapos ang matapat na paghihintay, sina Elisabet at Zacarias ay biniyayaan ng isang anak na lalaki.

Mateo 1:18–25; Lucas 1:26–38

Ang matatapat ay kusang sumusunod sa kalooban ng Diyos.

Tulad ni Maria, kung minsa’y nakikita natin na ang plano ng Diyos para sa ating buhay ay medyo naiiba sa plano natin. Ano ang natututuhan mo mula kay Maria tungkol sa pagtanggap sa kalooban ng Diyos? Sa sumusunod na mga table, isulat ang mga pahayag mula sa anghel at kay Maria (tingnan sa Lucas 1:26–38), pati na ang mga mensaheng makikita mo sa kanilang mga pahayag:

Mga sinabi ng anghel kay Maria

Mensahe para sa akin

Mga sinabi ng anghel kay Maria

“Ang Panginoon ay sumasa iyo” (talata 28).

Mensahe para sa akin

Batid ng Panginoon ang aking sitwasyon at mga pakikibaka.

Mga sinabi ng anghel kay Maria

Mensahe para sa akin

Mga sinabi ng anghel kay Maria

Mensahe para sa akin

Mga reaksyon ni Maria

Mensahe para sa akin

Mga reaksyon ni Maria

“Paanong mangyayari ito?” (talata 34).

Mensahe para sa akin

OK lang na magtanong kapag hindi ko nauunawaan.

Mga reaksyon ni Maria

Mensahe para sa akin

Mga reaksyon ni Maria

Mensahe para sa akin

Habang binabasa mo ang tungkol sa mabuting halimbawa ni Jose sa Mateo 1:18–25, ano ang natututuhan mo tungkol sa pagtanggap sa kalooban ng Diyos? Ano ang maaari mong matutuhan mula sa mga karanasan nina Zacarias at Elisabet? (tingnan sa Lucas 1).

Tingnan din sa Mosias 3:19; Lucas 22:42; Helaman 10:4–5; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Gabriel.”

Lucas 1:46–55

Pinatotohanan ni Maria ang misyon ni Jesucristo.

Ipinropesiya sa mga salita ni Maria sa Lucas 1:46–55 ang mga aspeto ng misyon ng Tagapagligtas. Ano ang natututuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga pahayag ni Maria? Anong karagdagang mga ideya ang nakukuha mo tungkol sa mga pagpapalang iniaalok ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga talatang ito sa mga salita ni Ana sa I Samuel 2:1–10 at sa Beatitudes (Lubos na mga Pagpapala) ni Jesus sa Mateo 5:4–12? Ano ang itinuturo sa iyo ng Espiritu habang pinagninilayan mo ang mga ideyang ito?

icon para sa pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Pamilya at Family Home Evening

Habang binabasa ninyo ng pamilya mo ang mga banal na kasulatan, matutulungan kayo ng Espiritu na malaman kung anong mga alituntunin ang bibigyang-diin at tatalakayin upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya. Narito ang ilang mungkahi:

Mateo 1:1–17

Habang binabasa ng pamilya mo ang talaangkanan ni Jesus, maaari mong ipaliwanag na matutunton ang Kanyang maharlikang angkan sa pamamagitan ni Jose pabalik kay Haring David. Ang angkang ito ay mahalaga dahil ipinropesiya na ang Mesiyas ay magmumula sa angkan ni David (tingnan sa Jeremias 23:5–6). Maaaring magandang pagkakataon ito upang talakayin ang kasaysayan ng sarili mong pamilya at magkuwentuhan kayo tungkol sa inyong mga ninuno. Paano pinagpapala ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng inyong pamilya ang pamilya mo?

Mateo 1:20; Lucas 1:13, 30

Bakit takot na takot ang mga tao sa mga talatang ito? Ano ang nagsasanhi ng ating pagkatakot? Paano tayo maaaring sinasabihan ng Diyos na “huwag kang matakot”?

Lucas 1:37

Para matulungan ang pamilya mo na magkaroon ng pananampalataya na “walang mula sa Dios na di may kapangyarihan” o walang imposible sa Diyos, maaari ninyong sama-samang saliksikin ang Lucas 1 at hanapin ang mga bagay na ginawa ng Diyos na maituturing na imposible. Anong iba pang mga kuwento ang maibabahagi nila—mula sa mga banal na kasulatan o sa sarili nilang buhay—kung saan gumawa ang Diyos ng mga bagay na tila imposible? Ang pagsasaliksik sa pamamagitan ng Aklat ng Sining ng Ebanghelyo ay maaaring makatulong sa kanila na makaisip ng mga ideya.

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Ipamuhay natin ang mga banal na kasulatan. Matapos basahin ang isang talata sa banal na kasulatan, anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na ipamuhay ito (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 21). Halimbawa, paano natin maipamumuhay ang natututuhan natin tungkol sa pagtugon sa panawagan ng Panginoon mula sa mga reaksyon ng mga tao sa Mateo 1 at Lucas 1?

Nagpakita si Gabriel kay Maria

Blessed Art Thou among Women, ni Walter Rane