Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Enero 7–13. Mateo 1; Lucas 1: ‘Mangyari sa Akin ang ayon sa Iyong Salita’


“Enero 7–13. Mateo 1; Lucas 1: ‘Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Enero 7–13. Mateo 1; Lucas 1,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Maria at Elisabet

Enero 7–13

Mateo 1; Lucas 1

“Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita”

Magsimula sa pagbabasa ng Mateo 1 at Lucas 1. Makakatulong ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa pagtuturo sa mga batang musmos, tingnan ang “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Batang Musmos” sa simula ng resource na ito.

Itala and Iyong mga Impresyon

sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Paupuin nang pabilog ang mga bata, at pagkatapos ay hilingin sa isang bata na magbahagi ng isang bagay na natutuhan niya mula sa mga banal na kasulatan sa linggong ito, o sa iba pang pagkakataon. Ang batang iyon ay maaaring magpagulong ng bola sa isa pang bata o ituro ang isa pang nasa bilog, na siya namang susunod na magbabahagi.

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Mateo 1:18–25; Lucas 1:26–38

Ibinalita ng mga anghel ang pagsilang ni Jesus.

Bawat isa kina Maria at Jose ay binisita ng isang anghel na nagbalita tungkol sa pagsilang ni Jesus. Ang mga karanasang ito ay makakatulong sa mga bata na makita kung gaano kahalaga ang pagsilang ni Cristo.

Mga Posibleng Aktibidad

Lucas 1:5–20, 57–63

Sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin.

Marahil ay maraming taon nang ipinagdarasal nina Zacarias at Elisabet na magkaroon sila ng anak. Kalaunan ay sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng anak na si Juan Bautista. Paano mo magagamit ang kuwentong ito upang ituro sa mga bata na sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sa sarili mong mga salita, ibahagi ang kuwento mula sa Lucas 1:5–20, 57–63. Maaari mong ulitin ang kuwentong ito nang ilang beses. Atasan ang mga batang gumaganap sa papel bilang anghel, si Zacarias, at si Elisabet at isadula ang kuwento. Bigyang-diin na sinagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin nina Elisabet at Zacarias, at magbahagi ng isang karanasan kung saan sinagot ng Ama sa Langit ang iyong panalangin.

  • Gamitin ang “Nakayuko,” Aklat ng mga Awit Pambata, 18, o ang isa pang awitin upang ituro sa mga bata kung paano manalangin. Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang “Panalangin ng Isang Bata,” Aklat ng mga Awit Pambata, 6–7. Sa tuwing kinakanta ng mga bata ang mga salitang “manalangin” o “panalangin,” sabihin sa kanila na yumuko at humalukipkip.

  • Hilingin sa bawat bata na gumawa ng mga kilos na kumakatawan sa bagay na ipinagdarasal nila. Pahulaan sa ibang mga bata kung ano ang kinakatawan ng mga kilos. Makakakita sila ng mga ideya sa pahina ng aktibidad ngayong linggo.

Lucas 1:31–35

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Si Jesucristo ang Anak ng Ama sa Langit at ni Maria. Ano ang magagawa mo upang matulungan ang mga bata na matuto pa ng tungkol sa Kanya?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na sinabi ng anghel kay Maria na tatawagin ang sanggol na Anak ng Diyos (tingnan sa Lucas 1:35). Tulungan ang mga bata na ulitin ang pangungusap na “Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.” Tulungan ang mga bata na maunawaan kung sino ang mga magulang ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapadrowing sa kanila ng mga larawan ng sarili nilang mga magulang. Sa paggawa nila ito, sabihin sa kanila na si Jesus ay may mga magulang rin—si Maria at ang Ama sa Langit. Bukod dito, hinilingan si Jose na protektahan at alagaan si Jesus noong nabubuhay Siya sa lupa.

  • Magpatotoo na dahil si Jesus ang Anak ng Diyos, maaari Siyang mamatay para sa ating mga kasalanan at mabuhay na muli. Ipakita ang mga larawan ng Pagpapako sa Krus at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 5759).

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mateo 1:18–25; Lucas 1:5–37

Walang imposible sa Diyos.

Ang pagsilang nina Jesus at Juan Bautista ay naging posible sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang pag-aaral tungkol sa mga himalang ito ay makapagpapalakas ng pananampalataya ng mga bata na may kapangyarihan ang Diyos na gumawa ng mga himala sa kanilang buhay.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sa pagbabasa ninyo ng mga bata ng Mateo 1:18–25 at Lucas 1:5–37, tanungin ang mga bata ng tulad ng “Ano ang sasabihin mo kung ikaw si Maria?” o “Ano ang mararamdaman mo kung ikaw si Zacarias?”

  • Gamit ang simpleng pananalita, ikuwento ang pagsilang nina Juan Bautista at Jesucristo. Sabihin sa mga bata na itaas ang kanilang kamay kapag narinig nila ang isang bagay na tila imposible kung wala ang kapangyarihan ng Diyos. Ano pang mga kuwento ang maaaring ibahagi ng mga bata kung saan gumawa ang Diyos ng isang bagay na tila imposible?

  • Tulungan ang mga bata na maisaulo ang Lucas 1:37. Para magawa ito, maaari mong isulat sa pisara ang talata at sabihin sa mga bata na bigkasin ito ng ilang beses. Pagkatapos ng bawat pagbasa, magbura ng isang salita.

Mateo 1:21–25; Lucas 1:30–35, 46–47

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Si Jesucristo ang Anak ng Ama sa Langit at ni Maria. Paano mo matutulungan ang mga bata na matutuhan ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Hilingin ang mga bata na basahin ang Lucas 1:30–35, na inaalam ang mga sagot sa mga tanong na: “Sino ang ina ni Jesus?” at “Sino ang Ama ni Jesus?” Tulungan silang maunawaan na si Jesucristo ang tanging tao na ang pisikal na ama ay ang Ama sa Langit (tingnan din sa 1 Nephi 11:18–21).

  • Habang binabasa mo ang mga talatang ito, sabihin sa mga bata na hanapin ang mga pangalan o titulo ni Jesucristo. Ano ang ibig sabihin ng mga pangalang ito, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol kay Jesus?

  • Ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo, at anyayahan ang mga bata na magbahagi rin ng kanilang patotoo.

nagpakita si Gabriel kay Maria

Ang Pagpapahayag ni John Scott

Lucas 1:5–25, 57–80

Dinidinig at sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin ko.

Sinasagot ng Diyos ang mga panalangin ngunit hindi palaging sa paraan na inaasahan natin. Paano mo magagamit ang tala tungkol kina Zacarias at Elisabet para maituro sa mga bata ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Itanong sa mga bata kung ano ang sasabihin nila sa isang taong nanalangin para sa isang pagpapala ngunit hindi pa ito natatanggap. Sabihin sa kanila na pag-isipan ang tanong na ito habang sama-sama nilang binabasa ang Lucas 1:5–25, 57–80. (Tingnan rin sa “Kabanata 1: Sina Elisabet at Zacarias” at “Kabanata 3: Isinilang si Juan Bautista,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan 6–7, 10–11.) Ano ang maaaring sabihin nina Zacarias at Elisabet sa isang taong nakadaramang hindi sinasagot ang kanyang mga panalangin?

  • Bago ang lesson na ito, anyayahan ang ilang bata na magbahagi sa klase ng mga karanasan kung kailan sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang mga panalangin. Magbahagi ng isang pagkakataon na nadama mong sinagot ang inyong panalangin sa paraang hindi mo inaasahan.

  • Sabihin sa mga bata na magdrowing ng isang pagkakataon kung kailan sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang panalangin—lalo na ang sarili nilang panalangin. Ipabahagi sa kanila sa klase ang kanilang mga iginuhit.

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang mga larawan na iginuhit nila at pagkatapos ay hilingin sa kanilang mga kapamilya na ibahagi ang mga pagkakataong sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga batang musmos na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Upang matulungan ang mga batang musmos na matuto mula sa mga banal na kasulatan, pagtuunan ang isang talata ng banal na kasulatan o kahit ang isang pangunahing kataga lamang. Maaari mong sabihin sa mga bata na tumayo o itaas ang kanilang kamay kapag narinig nila ang salita o katagang iyon. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 21.)

activity page: Sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin