Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Enero 21–27. Juan 1: Nasumpungan Namin ang Mesiyas


“Enero 21–27. Juan 1: Nasumpungan Namin ang Mesiyas,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Enero 21–27. Juan 1,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

babaeng nagbabahagi ng ebanghelyo sa istasyon ng tren

Enero 21–27

Juan 1

Nasumpungan Namin ang Mesiyas

Habang binabasa mo ang Juan 1, itala ang mga espirituwal na impresyong natatanggap mo. Ang outline sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang kabanatang ito. Ang sumusunod na mga iminumungkahing aktibidad ay maaaring magbigay sa iyo ng mga ideya kung paano tutulungan ang mga bata na matutuhan ang mga alituntunin sa Juan 1. Ang mga aktibidad para sa nakatatandang mga bata ay maaaring iangkop, kung kinakailangan, para sa mga batang musmos.

Itala ang Iyong mga Impresyon

sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol kay Jesus, maaari mong ipakita ang mga larawan Niya habang tinutupad ang ilan sa Kanyang mga tungkuling inilarawan sa Juan 1. Pagkatapos ay hilingin na ilarawan nila kung ano ang nagaganap (tulad ng paglikha ng daigdig o pagtuturo ng ebanghelyo).

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Juan 1:1–2

Namuhay si Jesus sa piling ng Ama sa Langit bago Siya isinilang.

Itinuro ni Juan na nabuhay si Jesucristo na kasama ng Diyos bago ang Kanyang mortal na buhay. Namuhay rin tayo sa piling ng Diyos bago tayo isinilang (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129). Paano mo ituturo sa mga bata ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipaliwanag na ang katagang “ang Verbo” sa Juan 1:1 ay tumutukoy kay Jesus. Basahin nang malakas ang talata, at sabihin sa mga bata na sabihin ang “Jesus” sa tuwing babasahin mo “ang Verbo.” Bingo Ipaliwanag na nabuhay si Jesucristo sa piling ng Ama sa Langit bago Siya pumarito sa daigdig.

  • Ituro sa mga bata na nanirahan din tayong kasama ang Diyos bago tayo pumarito sa lupa. Maaari mong gamitin ang “Pambungad: Ang Plano ng Ating Ama sa Langit,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan,1–5; o Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay Bago Pa ang Buhay na Ito,” scriptures.lds.org.

  • Anyayahan ang isang magulang na magdala ng isang sanggol sa klase, at gamitin itong pagkakataon upang ituro na namuhay tayo sa langit sa piling ng Ama sa Langit bilang mga espiritung anak bago tayo isinilang.

Juan 1:3

Nilikha ni Jesus ang lahat ng bagay.

Maraming bata ang likas na nagagalak na mapaligiran ng mga nilikha ng Panginoon. Ang kaalaman tungkol sa pagiging Tagapaglikha ni Cristo ay makakatulong para madagdagan ang kanilang paggalang sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin ninyo ng mga bata ang Juan 1:3, at ipakita ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Tulungan ang mga bata na isaulo ang katagang “ang lahat ng bagay ay ginawa [ni Jesucristo].”

  • Dalhin ang mga bata sa labas para maglakad-lakad. Isa-isang bigyan ng pagkakataon ang mga bata para ilarawan ang mga nilikhang nakikita nila, at sabihin sa kanilang hulaan kung ano ang inilalarawan.

  • Sabihin sa mga bata na mag-isip ng mga paraan kung paano maaalagaan ang mga nilikha ng Diyos na nasa kanilang paligid (halimbawa, pagiging mabait sa mga hayop).

bukang-liwayway sa isang kagubatan

Nilikha ni Jesucristo ang mundong ito at ang lahat ng bagay na narito.

Juan 1:35–51

Kaya kong anyayahan ang iba na lumapit kay Jesucristo at matuto mula sa Kanya.

Naglalaman ang Juan 1 ng mga tala ng mga disipulo na nag-anyaya sa mga tao na “magsiparito at makita” na si Jesus ang Anak ng Diyos. Kahit ang mga batang musmos ay kayang tularan ang halimbawang ito.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ilarawan kung paano itinuro ni Juan kay Andres ang tungkol kay Jesus, at kung paano naman itinuro ito ni Andres kay Pedro (tingnan sa Juan 1:35–42). Ibahagi kung paano mo nalaman ang tungkol sa Simbahan, o anyayahan ang isang bagong miyembro na ibahagi kung paano niya natutuhan ang tungkol sa Simbahan.

  • Ibahagi ang kuwento ng paanyaya ni Felipe kay Natanael na “pumarito ka at tingnan mo” (Juan 1:43–51). Itago ang larawan ni Jesus sa isang kahon, at anyayahan ang isang bata na “pumarito ka at tingnan mo” ito at pagkatapos ay sabihin sa iba pang mga bata ang tungkol sa nakita niya.

  • Pakulayan sa mga bata ang pahina ng aktibidad sa linggong ito, at hikayatin silang gamitin ito para anyayahan ang isang tao na matuto ng tungkol kay Jesus.

  • Hilingin sa isang bata na magbahagi tungkol sa isang pagkakataon na siya ay nagbahagi ng isang bagay, gaya ng laruan o regalo sa isang tao. Paano natin maibabahagi ang ebanghelyo? Isalaysay ang isang kuwento ng isang bata na nagbahagi ng ebanghelyo sa isang kaibigan, tulad ng kuwento ni Elder M. Russell Ballard tungkol kay Joshua (“Pag-follow Up,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 78–81).

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Juan 1:1–5

Namuhay si Jesus sa piling ng Ama sa Langit bago Siya isinilang.

Bago pa man Siya isinilang, ginampanan ni Jesucristo ang mahahalagang papel sa plano ng Ama sa Langit. Habang binabasa mo ang Juan 1:1–5, ano ang hinahangaan mo sa mga ginawa ni Jesus sa premortal na mundo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Itanong sa mga bata kung may nalalaman sila tungkol sa ginawa ni Jesus bago Siya isinilang. Sabihin sa kanila na hanapin ang mga sagot sa Juan 1:1–5. Maaaring makatulong ang pagtingin sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 1:1–5 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan).

  • Ibahagi sa mga bata ang “Pambungad: Ang Plano ng Ating Ama sa Langit,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 1–5. Itanong sa mga bata kung ano ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo.

  • Anyayahan ang ilang bata na maghandang ipakita o ilarawan sa klase ang isang bagay na ginawa nila. Magpakita ng mga larawan ng ilan sa mga nilikha ng Panginoon, at gamitin ang Juan 1:3 para ipaliwanag na nilikha ni Jesus ang lahat ng bagay.

Juan 1:4–9

Si Jesucristo ang aking ilaw.

Ang simbolismo ng liwanag ay makakatulong sa mga bata na maunawaan ang Tagapagligtas at ang Kanyang ebanghelyo. Paano mo mahihikayat ang mga bata na hanapin ang liwanag ng Tagapagligtas kapag ang mundo ay tila madilim?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipabasa sa mga bata ang Mga Awit 27:1; Juan 1:4–9; Mosias 16:9; at Doktrina at mga Tipan 39:1–2, na hinahanap ang mga kataga na magkakapareho sa mga banal na kasulatang ito. Paanong tulad ng isang ilaw si Jesucristo?

  • Magpakita ng larawan ng Tagapagligtas at ng ilang bagay na nagbibigay ng liwanag, gaya ng flashlight. Paano naging katulad ng mga bagay na ito si Jesucristo? Paano natin maibabahagi ang Kanyang liwanag sa iba? Sama-samang kantahin ang “Tanglaw ko ang Diyos,” Mga Himno, blg. 49, o isa pang awiting tungkol sa liwanag ng ebanghelyo.

  • Itanong sa mga bata kung ano ang ginagawa nila kapag sila ay nasa kadiliman at natatakot. Magpatotoo na maaari silang bumaling palagi sa Tagapagligtas kapag sila ay natatakot.

Juan 1:35–51

Bilang isang tagasunod ni Jesucristo, inaanyayahan ko ang iba na sumunod sa Kanya.

Isipin kung paano ninyo magagamit ang mga halimbawa sa Juan 1:35–51 para hikayatin ang mga bata na anyayahan ang iba na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Tulungan ang mga bata na saliksikin ang Juan 1:35–51 para makita ang mga bagay na sinabi ng mga tao para anyayahan ang iba na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas. Pagpraktisin sila ng mga maaari nilang sabihin para anyayahan ang isang kaibigan na malaman ang tungkol sa Kanya.

  • Sabihin sa mga bata na gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito para makagawa ng isang imbitasyong maaari nilang ibigay sa isang kaibigan o kapamilya para malaman pa ang tungkol kay Jesucristo.

  • Bigyan ang mga bata ng pagkakataon na sabihin sa klase ang tungkol sa isang bagay na gustung-gusto nila. Tulungan ang mga bata na makita na ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay katulad ng pagbabahagi ng mga ibang bagay na gustung-gusto natin.

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na anyayahan ang isang taong mahal nila na malaman pa ang tungkol kay Jesucristo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga bata na maisalarawan ang kuwento sa kanilang isip. Humanap ng mga paraan upang makagawa ng imahe ng kuwento, kabilang na ang paggamit ng sining ng ebanghelyo, mga drowing, video, puppet, o dula-dulaan.

pahina ng aktibidad: mag-aral tungkol kay Jesucristo