Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pambungad: Ang Plano ng Ating Ama sa Langit


Pambungad

Ang Plano ng Ating Ama sa Langit

Heavenly Father with a group of children - intro.-1

Nanirahan tayo sa langit sa piling ng Ama sa Langit bago tayo pumarito sa daigdig. Tayo ay Kanyang mga espiritung anak at may katawang espiritu. Minahal natin Siya, at minahal Niya tayo.

Teachings of the Prophet Joseph Smith, 354

Heavenly Father explains the plan of salvation - intro.-2

Itinuro ng Ama sa Langit ang plano Niya para sa atin. Ang tawag dito ay plano ng kaligtasan. Kung susundin natin ang Kanyang plano, magiging katulad tayo ng Ama sa Langit. Ang plano ay pumarito tayo sa daigdig at magkaroon ng mga katawang may laman at dugo. Tayo ay susubukan para malaman kung pipiliin nating sundin ang mga utos ng Diyos.

Jesus Christ and Satan listen to Heavenly Father explain the plan of salvation - intro.-3

Ang plano ng kaligtasan ay nagbibigay-daan para muli nating makapiling ang Ama sa Langit. Kailangan nating sundin ang mga utos. Pero kailangan din natin ng tulong. Kailangan tayong matubos sa ating mga kasalanan, at kailangan natin ng nabuhay na mag-uling mga katawan. Dahil hindi natin kayang tubusin ang sarili nating mga kasalanan o buhaying mag-uli ang sarili nating katawan, kailangan natin ng isang Tagapagligtas upang gawin ito para sa atin.

Heavenly Father chooses Jesus Christ to be the Savior - intro.-4

Pinili ng Ama sa Langit si Jesucristo na maging Tagapagligtas natin. Mahal ni Jesus ang Ama sa Langit. Mahal din tayo ni Jesus. Pumayag Siyang pumarito sa daigdig para ipakita sa atin kung paano maging matwid. Maglalaan Siya ng paraan para maligtas tayong lahat. Pumayag Siyang magdusa para sa ating mga kasalanan. Mamamatay rin Siya at mabubuhay na mag-uli para tayo man ay mabuhay na mag-uli.

Satan - intro.-5

Gusto rin ni Satanas na maging tagapagligtas natin. Pero hindi niya mahal ang Ama sa Langit. Hindi niya tayo mahal. Gusto niyang baguhin ang plano ng Ama sa Langit para mapasakanya ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Ama sa Langit.

Satan leads his followers away - intro.-6

Ipinasiya ng ilan sa mga espiritung anak ng Ama sa Langit na sundin si Satanas. Nalungkot dito nang labis ang Ama sa Langit. Pinalayas Niya sa langit si Satanas at mga kampon nito. Si Satanas ang diyablo. Siya at ang mga espiritung sumunod sa kanya ay gusto tayong magkasala.

Jesus Christ creating the earth.  He stands with arms upraised and planets in the background. - intro.-7

Sinabi ng Ama sa Langit kay Jesus na lumikha ng daigdig para sa atin. Sumunod si Jesus. Nilikha Niya ang araw, buwan, at mga bituin. Naglagay Siya ng mga halaman at hayop sa daigdig. Ngayon ay may daigdig tayong mapupuntahan kung saan magkakaroon tayo ng mga katawang may laman at dugo.

A prophet teaches the people.  He is  holding stone tablets. - intro.-8

Maraming tao ang nanirahan sa daigdig. Ang ilan sa kanila ay pinipiling sundin ang mga utos ng Diyos; ang ilan ay hindi. Tinuruan ng mga sinaunang propeta ang mga tao tungkol sa plano ng Ama sa Langit at kay Jesucristo.

A prophet sees Mary holding the baby Jesus.  He is writing on a piece of paper. - intro.-9

Sinabi ng mga propeta na magiging ama ni Jesus ang Ama sa Langit. Ang Kanyang magiging ina ay isang napakabuting babaeng nagngangalang Maria. Isisilang Siya sa Betlehem.

A prophet explains that Jesus would look like other people.  Jesus is depicted using carpentry tools. - intro.-10

Sabi ng mga propeta, maraming taong hindi maniniwala na si Jesus ang Tagapagligtas. Para Siyang tulad ng ibang karaniwang tao at hindi mayaman. Maraming taong magagalit sa Kanya.

A prophet tells of John the Baptist who will come before Jesus Christ comes. - intro.-11

Nagsabi rin ang mga propeta tungkol kay Juan Bautista. Siya muna ang darating bago si Jesus para sabihin sa mga tao ang tungkol sa Kanya. Bibinyagan ni Juan si Jesus.

A prophet explains that Jesus will perform many miracles.  Christ is depicted with a lame man. - intro.-12

Sabi ng mga propeta, magiging mabait at maraming himalang gagawin si Jesus. Pero bago Siya mamatay, magdurusa si Jesus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao para hindi na sila magdusa kung magsisisi sila.

A prophet foretelling the crucifixion of Jesus Christ. - intro.-13

Alam ng maraming propeta na ipapako sa krus si Jesucristo na ating Tagapagligtas. Ipapako Siya sa krus na kahoy at magbubuwis ng buhay para sa atin.

A prophet tells the people that Christ will be resurrected after three days. - intro.-14

Pagkaraan ng tatlong araw, mabubuhay Siyang mag-uli. Babalik ang Kanyang espiritu sa Kanyang katawan. Dahil mamamatay si Jesus at mabubuhay na mag-uli, tayong lahat din ay mabubuhay na mag-uli.

Jesus, His Apostles and others- intro.-15

Ipinapakita ng Bagong Tipan na totoo ang mga sinabi ng mga propeta. Ito ay kuwento tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga Apostol. Nanirahan sila sa Banal na Lupain. Marami sa mga taong nanirahan doon ay tinatawag na mga Judio. Nasakop ng mga Romano ang Banal na Lupain, at namuno sila sa mga Judio.