Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 10: Bininyagan si Jesus


Kabanata 10

Bininyagan si Jesus

John the Baptist in the desert - ch.10-1

Nanirahan si Juan sa ilang nang maraming taon. Nagsuot siya ng damit na yari sa balahibo ng kamelyo, at kumain ng pulot-pukyutan at mga balang. Nagdatingan ang mga tao mula sa mga lungsod para pakinggan siyang magturo. Nakilala siya na Juan Bautista.

John the Baptist teaching the people about Jesus Christ - ch.10-2

Tinuruan ni Juan Bautista ang mga tao tungkol kay Jesucristo. Tinuruan niya silang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magpabinyag. Bininyagan ni Juan ang mga nagsisi sa kanilang mga kasalanan.

John the Baptist preaching to the people - ch.10-3

Tinanong ng mga tao si Juan Bautista kung paano mamuhay nang mas mabuti. Sinabi niya sa kanila na magbahagi sa mga maralita, magsabi ng totoo, at maging pantay ang pakikitungo sa iba. Sabi niya, malapit nang dumating si Jesucristo. Ibibigay sa kanila ni Jesus ang kaloob na Espiritu Santo.

Jesus Christ asks John to baptize Him - ch.10-4

Isang araw habang binibinyagan ni Juan Bautista ang mga tao sa Ilog Jordan, lumapit si Jesucristo sa kanya. Hiniling Niya kay Juan na binyagan Siya. Alam ni Juan na laging sinusunod ni Jesus ang mga utos ng Diyos at hindi kailangang magsisi. Inakala ni Juan na hindi na kailangang binyagan si Jesus.

John the Baptist baptizes Jesus - ch.10-5

Pero iniutos ng Diyos sa lahat ng tao na magpabinyag, kaya sinabi ni Jesus kay Juan na binyagan Siya. Nagpakita ng halimbawa si Jesus sa atin sa pagsunod sa utos ng Diyos na magpabinyag.

Jesus comes up out of the water after being baptized - ch.10-6

Pag-ahon ni Jesus mula sa tubig, sumakanya ang Espiritu Santo. Nagsalita ang Diyos mula sa langit, na nagsasabing, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Nagpatotoo rin si Juan Bautista na si Jesus ang Anak ng Diyos.

Mateo 3:16–17; Juan 1:33–36; Jesus the Christ, 150