Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 32: Pinatotohanan ni Pedro si Cristo


Kabanata 32

Pinatotohanan ni Pedro si Cristo

Jesus asks His disciples who people say that He is - ch.32-1

Tinanong ni Jesus sa Kanyang mga disipulo kung sino Siya sa akala ng mga tao.

The disciples tell Jesus that some say He is John the Baptist, some Elias or some other Old Testament prophet - ch.32-2

Sumagot ang mga disipulo na inaakala ng ilang tao na si Jesus ay si Juan Bautista. Akala ng iba ay Siya ang propeta sa Lumang tipan na nagbalik mula sa mga patay.

Peter tells Jesus that He is the Christ - ch.32-3

Tinanong ni Jesus sa Kanyang mga disipulo kung sino Siya sa akala nila. Sabi ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay.”

Jesus explains to Peter that his testimony comes by a revelation from God - ch .32-4

Ipinaliwanag ni Jesus na ang patotoo ni Pedro ay hindi nagmula sa talino ng tao. Ang kanyang patotoo ay nagmula sa paghahayag ng Diyos.

Jesus tells Peter that the true church would be founded on Him and His teachings - ch.32-5

Nangako si Jesus kay Pedro na bibigyan Niya siya ng priesthood at awtoridad na mamuno sa Kanyang Simbahan. Pagkatapos ay magkakaroon ng awtoridad si Pedro at ang mga disipulo na itatag ang Simbahan ni Jesus sa daigdig.

Jesus tells His disciples to tell no one that He is the Christ - ch.32-6

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na huwag munang sabihin kaninuman na Siya ang Cristo. Una kailangan Niyang magdusa, mamatay, at bumangon mula sa mga patay sa ikatlong araw.