Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 50: Iba Pang mga Turo sa Huling Hapunan


Kabanata 50

Iba Pang mga Turo sa Huling Hapunan

Jesus teaches that people will know His disciples if they love one another - ch.50-1

Pagkatapos kumain, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga Apostol na dapat silang magmahalan tulad ng pagmamahal Niya sa kanila. Kung gagawin nila ito, malalaman ng mga tao na sila ay Kanyang mga disipulo.

Jesus tells His disciples that if they love Him they will keep His commandments - ch.50-2

Sinabi Niya na kung mahal Siya ng mga Apostol, susundin nila ang Kanyang mga utos. Ipinangako Niya sa kanila ang kaloob na Espiritu Santo. Ituturo sa kanila ng Espiritu Santo ang lahat ng kailangan nilang malaman. Ipapaalala ng Espiritu Santo sa mga Apostol ang mga bagay na itinuro sa kanila ni Jesus.

Jesus says that He is the true vine - ch.50-3

Sabi ni Jesus para Siyang puno ng ubas. Mga disipulo naman Niya ang parang mga sanga ng puno. Tanging isang sangang matibay na nakadugtong sa puno ang magkakaroon ng mabuting bunga.

Jesus tells His disciples that if they live the gospel they will be like branches of the good vine - ch.50-4

Nangako si Jesus sa Kanyang mga Apostol na kung ipamumuhay nila ang ebanghelyo, ang ibubunga nila (ng kanilang mga gawa) ay magiging mabuti. Kung hindi nila Siya susundin, magagaya sila sa mga sangang pinutol mula sa puno at hindi nagbunga.

Christ prays for His disciples - ch.50-5

Ipinagdasal ni Jesucristo na magkaisa ang Kanyang mga Apostol. Gusto Niyang turuan nila ang mga tao na maniwala sa Kanya at malaman na mahal sila ng Ama sa Langit.

Jesus and the Apostles sing a hymn - ch.50-6

Pagkatapos ay kumanta ng himno si Jesus at ang mga Apostol at nilisan na ang silid.