Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 36: Nagkuwento si Jesus ng Tatlong Talinghaga


Kabanata 36

Nagkuwento si Jesus ng Tatlong Talinghaga

Jesus is eating with some publicans and sinners - ch.35-1

Isang araw kumakain at nakikipag-usap si Jesus sa mga tao na inisip ng marami na makasalanan. Nakita Siya ng ilang Fariseo.

The Pharisees murmured about Jesus eating with sinners - ch.35-2

Naniniwala ang mga Fariseo na hindi dapat nakikipag-usap ang mabubuting tao sa mga makasalanan. Inisip nilang hindi mabuting tao si Jesus dahil kinakausap niya ang mga makasalanan.

Jesus tells the Pharisees three parables to help them understand why he was eating with sinners - ch.35-3

Gusto ng Tagapagligtas na ipaintindi sa mga Fariseo kung bakit kasama Niya ang mga makasalanan. Nagkuwento Siya sa kanila ng tatlong talinghaga. Ang una ay tungkol sa nawawalang tupa.

Lucas 15:3; Teachings of the Prophet Joseph Smith, 277