Kabanata 34 Ang Batang Lalaking Sinaniban ng Masamang Espiritu Isang araw hiniling ng isang lalaki sa Tagapagligtas na tulungan ang kanyang anak. Sinaniban ng masamang espiritu ang bata. Sinubukan nang pagalingin ng mga disipulo ang kanyang anak, pero hindi nila kaya. Marcos 9:14–18 Sinabi ni Jesus sa lalaki na dalhin ang bata sa Kanya. Pagdating ng bata, inilugmok ito ng masamang espiritu sa lupa. Marcos 9:19–20 Tinanong ng Tagapagligtas kung gaano katagal nang nakasanib ang masamang espiritu sa bata. Sabi ng ama sinaniban na ito mula pagkabata. Marcos 9:21 Sabi ni Jesus mapapagaling Niya ang bata kung may pananampalataya ang ama. Nagsimulang umiyak ang ama. Sinabi niyang may pananampalataya siya. Pero nagpatulong siya kay Jesus na maragdagan ang kanyang pananampalataya. Marcos 9:23–24 Inutusan ni Jesus ang masamang espiritu na lumabas sa bata at huwag na huwag nang babalik. Nagalit ang masamang espiritu. Sinaktan niyang muli ang bata. Pagkatapos ay sinunod nito si Jesus at lumisan. Marcos 9:25–26 Napakatahimik ng bata kaya maraming taong nagsabi na patay na ito. Pero hinawakan siya ni Jesus sa kamay at tinulungan siyang tumayo. Gumaling ang bata. Wala na ang masamang espiritu. Marcos 9:26–27 Kalaunan tinanong ng mga disipulo si Jesus kung bakit hindi nila napalabas ang masamang espiritu sa bata. Sinabi sa kanila ni Jesus na kung minsan ay kailangan nilang mag-ayuno at manalangin para mapagaling ang isang tao. Mateo 17:20–21; Marcos 9:28–29