Kabanata 56
Pinagaling ni Pedro ang Isang Lalaki
May isang lalaking hindi makalakad na dinadala sa templo araw-araw. Nakaupo siya sa may pintuan ng templo at nanlilimos. Isang araw nakita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo.
Hiningan niya ng pera sina Pedro at Juan. Sabi ni Pedro wala siyang pera. Sabi ni Pedro may ibang bagay siyang ibibigay sa lalaki.
Binasbasan ni Pedro ang lalaki sa pangalan ni Jesucristo at pinagaling ito. Pagkatapos ay tinulungan niyang makatayo ang lalaki.
Lumakad ang lalaki sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya. Maraming taong nakakita sa lalaki na naglalakad at patalun-talon. Alam nila na ito ay isang himala. Alam nilang taglay ni Pedro ang kapangyarihan ng Diyos. Sinabi sa kanila ni Pedro na si Jesucristo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang pagalingin ang lalaki. Si Pedro ay dakilang misyonero. Tinulungan niya ang maraming tao na maniwala at sumunod kay Jesucristo.