Ang Unang Talinghaga Ang Nawawalang Tupa May 100 tupa ang isang mabuting pastol. Isa sa mga ito ang nawala. Lucas 15:4 Iniwan ng pastol ang 99 na tupa para hanapin ang nawawala. Nang matagpuan niya ito, masayang-masaya siya. Lucas 15:4–5 Pinasan ng pastol ang tupa pauwi. Pinapunta niya ang lahat ng kaibigan at kapitbahay niya para magdiwang. Natagpuan niya ang nawalang tupa. Lucas 15:5–6 Sinabi ni Jesucristo sa mga Fariseo ang kahulugan ng talinghaga. Sinabi Niya na yaong mga nagkakasala ay gaya ng nawawalang tupa. Lucas 15:7 Tulad ng pastol na gustong iligtas ang nawawalang tupa, gusto rin ni Jesus na iligtas ang mga nagkakasala. Marcos 2:17 Sinabi ni Jesus na ito ang dahilan kaya Niya kinakausap ang mga makasalanan. Mateo 18:11 (tingnan sa footnote 11c); Marcos 2:17 At tulad ng pastol na masayang-masaya nang matagpuan ang nawawalang tupa, masayang-masaya rin si Jesus kapag nagsisisi tayo. Lucas 15:6–7