Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 55: Pinamunuan ng mga Apostol ang Simbahan


Kabanata 55

Pinamunuan ng mga Apostol ang Simbahan

After His resurrection Jesus spends forty days with the Apostles - ch.55-1

Matapos mabuhay na mag-uli, nanatili si Jesus sa piling ng Kanyang mga Apostol nang 40 araw. Tinuruan Niya sila ng maraming bagay tungkol sa ebanghelyo at sa Kanyang Simbahan.

Jesus tells His Apostles to preach the gospel to all people - ch.55-2

Sinabi Niya sa kanila na ituro ang ebanghelyo sa lahat ng tao. Sinabi rin Niya na malapit na Niya silang lisanin, pero darating ang Espiritu Santo para tulungan sila.

The Apostles watch as Jesus ascends to heaven - ch.55-3

Minasdan ng mga Apostol ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Sinabi ng dalawang anghel na nakaputi sa mga Apostol na babalik si Jesus mula sa langit balang araw.

Peter, James and John are leading the Church - ch.55-4

Mga Apostol na ngayon ang mga pinuno ng Simbahan ni Jesucristo sa daigdig. Si Pedro ang Pangulo, at sina Santiago at Juan ang kanyang mga tagapayo.

Matthias is chosen and ordained to be an Apostle - ch.55-5

Labing-isa lamang ang mga Apostol—patay na si Judas. Sinabi ng Ama sa Langit sa mga Apostol na piliin si Matias na maging isa sa Labindalawang Apostol. Lahat ng Apostol ay may espesyal na tungkulin sa priesthood.

The members of the Church obey the commandments - ch.55-6

Sumampalataya ang mga Apostol at iba pang mga disipulo sa Panginoon. Sinunod nila ang Kanyang mga utos. Mahal nila ang isa’t isa.

The Apostles spread the gospel to many people - ch.55-7

Sa taglay na priesthood at kapangyarihan ng Espiritu Santo, maraming magagawa ang mga Apostol. Pinagaling nila ang mga maysakit at naging mga misyonero. Nagturo sila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Maraming taong naniwala sa mga salita ng mga Apostol at sumapi sa Simbahan. Ang mga miyembro ng Simbahan ay tinawag na mga Banal.