Kabanata 19 Ang Sermon sa Bundok Isang araw tinuruan ni Jesus ng ebanghelyo ang Kanyang mga disipulo sa gilid ng isang bundok sa may Dagat ng Galilea. Mateo 5:1 Sinabi Niya sa kanila kung paano mamuhay para lumigaya at muling makapiling ang Ama sa Langit. Ang mga bagay na itinuro Niya sa kanila ay magpapaligaya rin sa atin. Mateo 5–7 Sabi ni Jesus dapat tayong maging mahinahon, mapagpasensya, at handang sumunod sa Ama sa Langit. Mateo 5:5 Dapat tayong magsumikap na maging matwid. Mateo 5:6 Dapat nating patawarin ang mga taong nakasakit sa atin o nagpasama ng ating loob. Kung patatawarin natin sila, patatawarin tayo ng Ama sa Langit. Mateo 5:7 Maging mga tagapamayapa tayo, mahalin natin ang ibang tao, at tulungan ang lahat na magmahalan. Mateo 5:9 Huwag tayong matakot na ibahagi sa mga tao ang ebanghelyo o ipakita sa kanila na mahal natin ang Ama sa Langit. Kapag nakita ng ibang tao na gumagawa tayo ng mabuti, makakatulong ito para maniwala rin sila sa Diyos. Mateo 5:14–16 Dapat nating laging tupdin ang ating mga pangako. Mateo 5:33–37 At tulad ng gusto nating maging mabait sa atin ang iba, dapat din tayong maging mabait sa kanila. Mateo 7:12 Sinabi ni Jesus na kung gagawin natin ang mga bagay na ito, liligaya tayo, pagpapalain tayo ng Ama sa Langit, at muli natin Siyang makakapiling. Mateo 5:2–12