Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 21: Inutusan ni Jesus ang Hangin at mga Alon


Kabanata 21

Inutusan ni Jesus ang Hangin at mga Alon

Jesus and His disciples in a boat on the Sea of Galilee in the midst of a storm - ch.24-1

Si Jesus at ang Kanyang mga disipulo ay sakay ng isang bangka sa Dagat ng Galilea. Nakatulog si Jesus. Nagsimulang humangin nang napakalakas, at pinupuno ng tubig ng mga alon ang bangka. Natakot ang mga disipulo na baka ito lumubog. Ginising nila si Jesus at hiningan Siya ng tulong.

Jesus rebukes the wind and the waves and it is calm - ch.24-2

Iniutos ng Tagapagligtas na tumigil sa pag-ihip ang hangin at pumayapa ang mga alon. Tumigil ang hangin, at pumayapa ang dagat.

Jesus asks the disciples where their faith is - They wonder that He is able to command the wind and the waves - ch.24-3

Tinanong ni Jesus ang mga disipulo kung bakit sila natakot. Sinabi Niya na dagdagan nila ang kanilang pananampalataya. Inisip nila kung anong klaseng tao ang kayang utusan kahit hangin at dagat.