Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Salitang Dapat Malaman


Mga Salitang Dapat Malaman

alakisang inuming nagmula sa mga ubas

alipin; tagapaglingkodisang taong naglilingkod o nagtatrabaho para sa ibang tao o sa Diyos

altarisang sagradong mesa sa templo noong nabubuhay si Jesus sa mundo. Nag-alay ang mga tao sa altar ng mga sakripisyo sa Diyos.

altar

Anghel isang sugo ng langit mula sa Diyos

Apostol isang pinuno sa Simbahan ni Jesucristo na nagpapatotoo kay Jesucristo at nagtuturo ng ebanghelyo

awtoridad ang karapatang gamitin ang isang kapangyarihang tulad ng priesthood o magkaroon ng karapatang parusahan ang mga sumusuway sa batas

ayunohindi kakain at iinom habang humihingi ng mga pagpapala mula sa Ama sa Langit

bahay-tuluyanisang lugar kung saan makakakain at makakatulog ang mga tao kapag naglalakbay sila

balabalisang mahaba at malambot na kasuotan na ipinapatong sa suot na damit

robe

balangisang malaking insektong lumilipad na kinakain kung minsan

locust

balong babaeisang babaeng patay na ang asawa

banalisang bagay na dalisay at malinis at itinalaga para gamitin ng Diyos

Banalisang miyembro ng totoong Simbahan ni Jesucristo

bantayisang taong nagbabantay sa mga tao sa bilangguan; bantayan ang isang tao, lugar, o bagay

bantay sa bahay-tuluyanang taong nagpapalakad ng bahay-tuluyan

baryaisang flat na perang metal

coin

basbasisang espesyal na panalanging humihiling sa Ama sa Langit na papanatagin o pagalingin ang isang tao; ang lalaking nag-aalay ng panalanging ito ay ginagawa ito sa kapangyarihan ng priesthood na taglay niya. Anumang tulong na tinatanggap natin mula sa Diyos.

bilangguanisang lugar kung saan ikinukulong ang mga taong lumabag sa batas

bingihindi makarinig

binyag [magbinyag]isang ordenansa o seremonya kung saan ang isang taong may awtoridad ng priesthood mula sa Diyos ay lubusang inilulubog ang isa pang tao sa tubig at iniaahon siya mula rito. Ang binyag ay kailangan para maging miyembro ng Simbahan ni Jesucristo. Tingnan din sa kaloob na Espiritu Santo.

baptism

buhay na walang hangganmaging katulad ng ating Ama sa Langit at makapiling Siya magpakailanman

bulaghindi makakita

bundokisang malaking burol

buwisperang ibinabayad ng mga tao sa gobyerno

dakpin [dinakip]kunin nang sapilitan ang isang bansa o tao

digmaanisang labanan ng magkakaaway

disipuloisang taong naniniwala kay Jesucristo at sinisikap na tularan Siya

disyertolupaing kakaunti ang tubig at mga halaman o hayop

diyabloisa pang tawag kay Satanas

ebanghelyoang mga turo ni Jesucristo tungkol sa kung paano dapat mamuhay ang mga tao para makabalik sila sa piling ng Ama sa Langit; ito ang plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit

espirituisa sa mga anak ng Ama sa Langit na walang katawang may laman at mga buto

himalaisang pambihirang bagay na nangyayari dahil sa kapangyarihan ng Diyos

himnoisang awitin sa simbahan o awit ng papuri sa Diyos

Ikalawang Pagparitokung kailan muling paparito sa daigdig si Jesus para iligtas ang mabubuting tao at puksain ang masasama

ikapuperang ibinibigay sa Diyos para maitayo ang Kanyang Simbahan

ilangisang lugar kung saan walang mga bayan o lungsod at iilang tao lang ang nakatira

ilibing [inilibing]ilagak ang katawan ng patay sa libingan o sa ilalim ng lupa at tabunan ito ng lupa; ilagak ang isang bagay sa ilalim ng lupa kung saan ito gustong itago ng tao

iligtassagipin mula sa panganib. Namatay si Jesus para iligtas tayo mula sa pisikal na kamatayan at mga panganib ng kasalanan.

ipagkanulo talikuran ang isang kaibigan o isuko siya sa kaaway

ipako sa krus patayin ang isang tao sa pagbayubay sa kanya sa krus na kahoy tulad ng ginawa nila kay Jesucristo

itatagisaayos ang Simbahan ni Jesucristo

kaharian ng Diyosang Simbahan o lugar kung saan makakapiling ng mabubuti ang Ama sa Langit matapos ang buhay na ito

kaligtasanmaligtas mula sa kasalanan at kamatayan para makapiling nating muli ang Ama sa Langit

kaloobisang mabuting bagay na ibinigay sa atin ng Diyos o ng iba

kaloob na Espiritu Santoang karapatang matulungan ng Espiritu Santo; ibinibigay ito ng isang taong may awtoridad ng priesthood sa isang tao matapos itong mabinyagan

kapangyarihankakayahang gumawa ng isang bagay. Tingnan din sa priesthood.

kapitbahay; kapwaisang taong nakatira malapit sa bahay mo; isa pang anak ng Diyos

kasalisang kaganapan kung saan ikinakasal ang isang lalaki at babae

kasamaanisang bagay na masama at hindi nagmumula sa Diyos

kasintahang lalaki isang lalaking ikakasal

katawang may laman at dugomga katawan ng tao sa daigdig na may balat, mga buto, mga kalamnan, at dugo

katotohananang bagay na totoo at tama

kawalisang taong tumutupad sa mga utos ng isang hari o pinuno

ketonginisang taong sugat-sugat ang buong katawan

koronang tinikmatutulis na tinik na inayos nang pabilog at ipinatong sa ulo ni Jesus

crown of thorns

kutyainpagtawanan

kuwebaisang butas sa gilid ng burol

cave

langitang lugar na kinaroroonan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

latigoisang manipis na tali o lubid; gumamit ng latigo para hampasin ang isang tao o isang bagay

whip

libinganisang lugar kung saan inililibing ang mga patay

tomb

lindolmatinding pagyanig ng lupa

luhod [lumuhod]itiklop ang mga tuhod

kneeling

mabuhay na mag-ulimuling pagsasama ng ating katawan at espiritu pagkamatay natin

magdiwangalalahanin ang isang mahalagang araw sa paggawa ng espesyal na bagay

magdusamakadama ng matinding sakit

magkasalasuwayin ang mga utos ng Ama sa Langit

maglakbaypumunta sa ibang lugar

magnakawkumuha ng isang bagay na pag-aari ng iba

magnanakaw [mga magnanakaw]isang taong nagnanakaw sa iba

mag-ordenipinapatong ng kalalakihang may awtoridad ng priesthood ang kanilang mga kamay sa ulunan ng isa pang lalaki para pagkalooban ito ng kapangyarihan at awtoridad ng priesthood

ordination

magpabungagumawa o magpalago ng isang bagay

magpakailanmanlagi

magpatawaditigil ang galit sa isang taong nakagawa ng masasama o masasakit na bagay

magpatotoosabihin sa ibang mga tao na alam natin na totoo ang isang bagay

magsalinbaguhin ang mga salitang isinulat o binigkas sa isang wika sa mga salitang pareho ang kahulugan sa ibang wika

magsinungalinghuwag sabihin ang totoo

magsisimalungkot dahil sa isang bagay na ginawa mo at mangakong hindi mo na ito muling gagawin

makasalananisang taong sumusuway sa mga utos ng Ama sa Langit

malaking tinapay [malalaking tinapay]ang hugis ng pagkaluto sa tinapay

loaf

malunodmamatay dahil sa pananatili sa ilalim ng tubig nang napakatagal

mamunogabayan ang iba

manalanginkausapin ang Diyos, magpasalamat sa Kanya at humiling ng mga pagpapala

mangakomagsabing gagawin mo ang isang bagay

maniwalamadamang ang isang bagay ay tama o totoo

masamaisang taong makasalanan

matalinoIsang taong napakaismarte at naiintindihan ang mga tao, batas, at banal na kasulatan; isang tao rin na nagpaplano nang maaga

matwidmasunurin sa mga utos ng Diyos

mga banal na kasulatanmga aklat na naglalaman ng mga salita ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta

Mga Pantas na Lalakemga lalaking nagmula sa Silangan para bisitahin si Jesus noong bata pa Siya

misyonisang espesyal na panahon ng paglilingkod na humayo at magturo ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga tao at patatagin ang kaharian ng Diyos sa daigdig

misyoneroisang taong nagmimisyon; kung minsan ay pinapupunta sa ibang bansa ang taong ito

miyembroisang taong kasapi sa isang simbahan o ibang grupo

pagalinginlunasan ang sakit o sugat ng isang tao

pagbabagong-anyoisang pagbabago sa tao sa loob ng maikling panahon na nagiging dahilan para makaharap siya sa Ama sa Langit

paghahayag isang bagay na sinasabi ng Diyos sa Kanyang mga anak

paglilitisisang pangyayari na sinisikap patunayan ng mga tao kung nilabag ng isang tao ang batas o hindi

pagpalain bigyan ng mabubuting bagay o tulungan ang isang tao

panalanginang inuusal kapag nagdarasal ang isang tao

pananampalatayamaniwala at magtiwala kay Jesucristo

pangitainisang uri ng paghahayag mula sa Ama sa Langit

Paskuaisang espesyal na pagdiriwang kung kailan inaalala ng mga Judio kung paano iniligtas ng Diyos ang kanilang mga tao mula sa mga taga Egipto noong panahon ni Moises

pastolisang taong nag-aalaga ng mga tupa

shepherd

patotooisang damdamin o kaisipan mula sa Espiritu Santo na ang ebanghelyo ay totoo

pinunoisang taong gumagabay at responsable sa isang grupo ng mga tao

pistamasaganang pagkaing karaniwang kinakain sa espesyal na araw

priest; saserdoteisang pinuno sa isang simbahan

priesthoodang awtoridad na kumilos sa pangalan ng Diyos

propetaisang taong tinawag ng Diyos para sabihin sa mga tao kung ano ang gustong ipagawa sa kanila ng Diyos

pulot-pukyutanmga lalagyang waks na gawa ng mga bubuyog. Pinupuno ng mga bubuyog ng pulot ang mga lalagyang waks na ito.

honeycomb

pumilipiliin o hirangin

punoang pangunahing sanga ng isang halaman, tulad ng ubas, na may sanga-sangang paikot. Pinananatiling buhay ng puno ang mga sanga.

vine

purihinmagsabi ng mabubuting bagay tungkol sa isang tao

puspos ng Espiritu Santopinuno ng katotohanan ng Espiritu Santo ang puso’t isipan ng isang tao

Sabbathisang espesyal na araw ng linggo kung kailan sumasamba sa Diyos ang mga tao sa pagsisimba at pag-aaral pa tungkol sa Kanya

sabsabanisang kahong pinaglalagyan ng pagkain ng mga hayop

manger

sacramentisang ordenansa kung saan binabasbasan ang tinapay at tubig at ipinapasa sa mga miyembro ng Simbahan para ipaalala sa kanila si Jesucristo at sundin ang mga utos. Ang ordenansa ay ginagawa ng kalalakihang may priesthood.

sagradoanumang bigay sa atin ng Diyos na dapat igalang at pagpitaganan

sakripisyoisuko ang isang bagay na mahalaga para sa Diyos o sa ibang tao

sambahin purihin, mahalin, at sundin ang Diyos

sermonisang mensaheng ibinibigay sa isang grupo ng mga tao tungkol sa ebanghelyo

sinagogaisang gusaling tagpuan ng mga Judio para sumamba sa Diyos

sugatisang bahagi ng katawan na masakit o nagdurugo

sugatisang masamang pinsala sa katawan ng tao

sumapimaging bahagi ng isang grupo

sumunodgawin ang ginagawa ng iba

sumunodgawin ang hiniling o iniutos

tagapamayapaisang taong tumutulong sa mga tao na huwag magalit sa isa’t isa

tagapayoisang taong tumutulong o nagpapayo sa ibang tao

taggutomkawalan ng pagkain dahil hindi sapat ang tumutubo para makakain ang lahat

talinghagaisang kuwentong nagtuturo ng isang tuntunin o aral

tamadayaw magtrabaho

templobahay ng Diyos sa lupa; isang lugar para sambahin ang Diyos; isang banal na lugar kung saan isinasagawa ang mga sagradong ordenansa

temple

tinikisang matalas at matulis na bahagi ng halaman na nakakasakit kung hihipuin

tuksuhintangkaing ipagawa sa isang tao ang isang bagay na mali

utos; kautusanisang bagay na ipinagagawa ng Diyos sa mga tao para maging maligaya sila

utusansabihin sa isang tao o isang bagay kung ano ang gagawin

walang hangganisang bagay na walang katapusan; patuloy ito magpakailanman

yuko [yumuko]itungo ang ulo sa paggalang

bowed head