Kabanata 15 Ang Babae sa May Balon Nilisan ni Jesus ang Jerusalem para magpunta sa Galilea. Naglakbay Siya hanggang Samaria at nakarating sa isang balon. Juan 4:3–6 Pagod na Siya, at nagpahinga sa may balon. Isang babaeng Samaritano ang lumapit para kumuha ng kaunting tubig. Humingi si Jesus sa kanya ng inumin. Juan 4:6–7 Dahil karaniwan ay hindi kinakausap ng mga Judio ang mga Samaritano, nagulat ang babae. Juan 4:9 Sinabi ni Jesus sa babae na bibigyan Niya ito ng uri ng tubig na hindi na siya muling mauuhaw. Ipinaliwanag Niya na Siya ang Tagapagligtas. Ang tubig na ibibigay Niya rito ay “tubig na buhay” ng buhay na walang hanggan. Juan 4:10, 13–15, 25–26 Napasa bayan ang babae at ikinuwento sa maraming tao si Jesus. Nagpuntahan sila sa balon at nakinig mismo kay Jesus. Marami sa kanila ang naniwala sa Kanyang mga salita. Juan 4:28–30, 39–42