Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 13: Si Jesus at ang Bahay ng Kanyang Ama sa Langit


Kabanata 13

Si Jesus at ang Bahay ng Kanyang Ama sa Langit

Jesus goes to the temple in Jerusalem - ch.13-1

Nagpunta si Jesus sa templo sa Jerusalem. Nagpunta rooon ang maraming tao para mag-alay ng sakripisyo sa pamamagitan ng pagpatay sa isang hayop at pagsunog nito sa altar. Ang sakripisyo ay nakatulong sa mga tao na isipin ang Tagapagligtas, na magsasakripisyo ng Kanyang Sarili sa pagdurusa at pagkamatay para sa kanila.

Jesus sees men selling animals in the temple - ch.13-2

May ilang taong walang hayop na isasakripisyo. Binentahan sila ng mga hayop ng mga tao sa templo. Gustong magkapera nang marami ang mga taong nagbebenta. Hindi nila inisip ang Diyos.

Jesus tells the men that the temple is a holy place - ch.13-3

Nakita ni Jesus ang mga taong nagbebenta ng mga hayop sa templo. Sabi niya na ang templo ay bahay ng Ama sa Langit, isang banal na lugar. Sabi niya na hindi dapat mamili o magbenta ng mga bagay ang mga tao roon.

Jesus uses a whip to drive the money changers from the temple - ch.13-4

Gumawa ng panghampas si Jesus, itinaob ang mga mesa, itinapon ang pera sa sahig, at pinalayas ang mga nagbebenta sa templo. Ayaw Niya silang gumawa ng masasamang bagay sa bahay ng Ama sa Langit.