Kabanata 31 Pinagaling ni Jesus ang Bingi Dinala ng ilang tao ang isang lalaki kay Jesus. Bingi ang lalaki at hindi makapagsalitang mabuti. Gusto ng mga tao na pagalingin ito ng Tagapagligtas. Marcos 7:32 Inilayo ni Jesus ang lalaki sa iba. Inilagay Niya ang Kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki. Hinipo Niya ang dila ng lalaki at binasbasan ito. Marcos 7:33–34 Nakarinig at nakapagsalita na ang lalaki. Naintindihan na siya ng mga tao. Hiniling ni Jesus sa mga tao na huwag sabihin kaninuman ang nangyari, pero ikinuwento nila ito sa lahat. Marcos 7:35–36