Kabanata 60 Muling Binuhay ni Pedro si Tabita Isang mabuting babaeng nagngangalang Tabita ang nakatira sa bayan ng Joppe. Isa siyang alagad ni Jesucristo. Maraming tao siyang tinulungan at maraming mabubuting bagay siyang ginawa. Ang Mga Gawa 9:36 Nagkasakit siya at namatay. Ang Mga Gawa 9:37 Pinapunta ng kanyang mga kaibigan si Pedro. Pagdating niya roon, pinalabas niya ng silid ang mga kaibigan ni Tabita. Ang Mga Gawa 9:38–40 Lumuhod si Pedro at nanalangin, at saka sinabi kay Tabita na tumayo. Nagmulat siya ng mga mata at umupo. Ang Mga Gawa 9:40 Tinulungan siyang tumayo ni Pedro. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan. Pumasok sila at nakitang siya ay buhay. Ginamit ni Pedro ang kapangyarihan ng priesthood para ibalik ang buhay ni Tabita. Maraming tao sa Joppe ang naniwala kay Jesucristo nang malaman nilang nabuhay si Tabita. Ang Mga Gawa 9:41–42