Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Larawan ng Banal na Lupain


Mga Larawan ng Banal na Lupain

(Ang mga numerong nakapanaklong ay numero ng kabanata ng mga kuwentong nangyari sa o malapit sa nakalarawan.)

Betlehem Isinilang si Jesucristo sa bayang ito. (5, 7)

Templo Ito ang modelo ng templo sa Jerusalem kung saan nagturo ng ebanghelyo si Jesus at pinalayas Niya ang mga taong nagbebenta ng mga hayop na isasakripisyo. (1, 6, 9, 11, 13, 45, 56)

Mga Baitang Paakyat sa Templo Ito ang tunay na mga baitang paakyat sa templo.

Nazaret Lumaki si Jesus sa bayang ito. (2, 4, 9, 17)

Jerusalem Matagal na nagturo sina Jesus at ang Kanyang mga Apostol sa bayang ito. Dito namatay at nabuhay na mag-uli si Jesus. (6, 39–40, 44–57, 63)

Ilog Jordan Bininyagan ni Juan Bautista si Jesucristo sa isang panig ng ilog na ito. (10)

Ilang sa Judea Nag-ayuno si Jesucristo at tinukso ng diyablo sa ilang matapos Siyang mabinyagan. (11)

Samaria Tinuruan ni Jesus ang isang babae tungkol sa tubig na buhay sa isang balon sa lupaing ito. Kinamuhian ng karamihan sa mga Judio ang mga taga Samaria. (15, 58)

Galilea at ang Dagat ng Galilea Maraming taong naniniwala na sa gilid ng burol na ito ibinigay ni Jesus ang Sermon sa Bundok. Nasa likuran ang Dagat ng Galilea. Si Jesus ay nagturo ng ebanghelyo sa maraming tao, pati na ang Kanyang mga Apostol, malapit dito. Pinayapa ni Jesus ang bagyo sa Dagat ng Galilea. (18–22, 29, 34, 36)

Capernaum Ang mga guhong ito ay nasa bayan ng Capernaum. Maraming himalang ginawa si Jesus sa bayang ito. (23–25, 30)

Cesarea ni Filipo Dito nagpatotoo si Jesus tungkol sa Kanyang pagkamatay at Pagkabuhay na Mag-uli, at nagpatotoo si Pedro na si Jesus ang Anak ng Diyos. (32)

Jerico Sa talinghaga ng mabuting Samaritano, isang lalaki ang muntik nang mapatay habang naglalakbay papunta sa bayang ito. (35)

Bundok Tabor Maaaring dito nangyari ang Pagbabagong-anyo ni Jesucristo. (33)

Halamanan ng Getsemani Si Jesucristo ay nanalangin, nagdusa para sa ating mga kasalanan, ipinagkanulo ni Judas Iscariote, at dinakip sa halamanang ito. (51, 52)

Golgota Maaaring dito namatay sa krus si Jesucristo. (53)

Libingan sa Halamanan Si Jesucristo ay maaaring dito inilibing, nabuhay na mag-uli, at nakipag-usap kay Maria Magdalena. (53, 54)