Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 14: Nicodemo


Kabanata 14

Nicodemo

Nicodemus - ch.14-1

Si Nicodemo ay kabilang sa grupo ng mga Judio na tinatawag na mga Fariseo. Siya ay pinuno rin ng mga Judio. Maraming Fariseong hindi naniniwala na si Jesucristo ay isinugo ng Diyos. Pero naniwala si Nicodemo dahil sa mga himalang ginawa ni Jesus.

Nicodemus comes at night to talk to Jesus - ch.14-2

Kinausap ni Nicodemo ang Tagapagligtas isang gabi. Sinabi sa kanya ni Jesus na walang makakapasok sa kaharian ng Diyos kung hindi siya ipapanganak na muli.

Nicodemus asks Jesus how a person can be born again - ch.14-3

Hindi ito naintindihan ni Nicodemo. Paano ipapanganak na muli ang isang tao? Ipinaliwanag ng Tagapagligtas na ang tinutukoy Niya ay mga espirituwal na bagay. Para ipanganak na muli, dapat ay mabinyagan ang isang tao sa tubig at tumanggap ng Espiritu Santo.

Jesus tells Nicodemus He is on earth to prepare a way for all men to return to Heavenly Father - ch.14-4

Ipinaliwanag ni Jesus na Siya ay isinugo sa daigdig upang tulungan tayong makabalik na lahat sa Ama sa Langit. Sinabi Niya na magdurusa Siya para sa ating mga kasalanan at mamamatay sa krus para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

Jesus tells Nicodemus that men need to choose the right to live in the kingdom of God - ch.14-5

Sinabi Niya na kailangan nating maniwala sa Kanya at piliin ang tama. Kung gagawin natin ang tama, mabubuhay tayo magpakailanman sa kaharian ng Diyos.