Iba Pang mga Lugar na Dapat Malaman
- Amerika
-
Binisita ni Jesucristo ang mga tao sa Amerika matapos Siyang Mabuhay na Mag-uli at itinuro sa kanila ang ebanghelyo. Tumawag Siya ng labindalawang disipulo para pamunuan ang Simbahan dito. (40)
- Banal na Lupain
-
ang lupain kung saan nabuhay at nagturo si Jesus. Ang Judea, Samaria, at Galilea ay pawang nasa Banal na Lupain. (Pambungad)
- Daigdig
-
ang planetang tinitirhan nating lahat. Nilikha ni Jesucristo ang daigdig para sa atin. (Pambungad)
- Egipto
-
isang bansa sa timog ng Banal na Lupain. Sinabihan ng isang anghel si Jose na dalhin ang kanyang pamilya sa Egipto para hindi mapatay ni Herodes ang sanggol na si Jesus. (8)
- Langit
-
ang lugar na kinaroroonan ng Ama sa Langit. (Pambungad)
- Roma
-
ang kabisera ng Kahariang Romano. Itinuro ni Pablo ang ebanghelyo habang nakabilanggo sa Roma. (63)