Kabanata 29 Lumakad si Jesus sa Tubig Matapos pakainin ang 5,000, umakyat si Jesus sa isang bundok para manalangin. Tinawid ng Kanyang mga disipulo ang Dagat ng Galilea sakay ng bangka. Pagsapit ng gabi, nagsimulang umihip ang hangin, at tumaas ang mga alon. Mateo 14:22–24 Kinahatinggabihan, pumaroon si Jesus para sumama sa Kanyang mga disipulo. Naglakad Siya sa tubig para makarating sa bangka. Mateo 14:25 Nakita Siya ng mga disipulo na naglalakad sa tubig. Natakot sila. Akala nila isa Siyang multo. Nagsalita sa kanila si Jesus, “Ako nga; huwag kayong mangatakot.” Mateo 14:26–27 Gusto ring lumakad ni Pedro sa tubig. Pinapunta ni Jesus si Pedro sa Kanya. Bumaba ng bangka si Pedro. Naglakad siya sa tubig papunta sa Tagapagligtas. Mateo 14:28–29 Dahil malakas ang ihip ng hangin, natakot si Pedro. Nagsimula siyang lumubog sa tubig at isinigaw niya kay Jesus na iligtas siya. Mateo 14:30 Hinawakan ng Tagapagligtas ang kamay ni Pedro. Tinanong Niya si Pedro kung bakit kaunti ang pananampalataya niya. Mateo 14:31 Pagdating nina Jesus at Pedro sa bangka, tumigil ang bagyo. Sinamba ng lahat ng disipulo ang Tagapagligtas. Nalaman nila na Siya ang Anak ng Diyos. Mateo 14:32–33