Kabanata 26 Pinatawad ni Jesus ang Isang Babae Hiniling ng isang Fariseo sa Tagapagligtas na pumunta sa bahay niya at saluhan siya sa pagkain. Lucas 7:36 May isang babaeng makasalanan na nakatira sa bayan. Alam niyang kumakain si Jesus sa bahay ng Fariseo. Gusto niyang gawan ng espesyal na bagay si Jesus. Lucas 7:37 Lumuhod siya at hinugasan ng kanyang mga luha ang mga paa ng Tagapagligtas. Pagkatapos ay pinunasan niya ng kanyang buhok ang Kanyang mga paa at hinagkan ito. Pinahiran niya rin ito ng mabangong langis. Alam ng Fariseo na makasalanan ang babae. Inisip niya na hindi dapat pahipo si Jesus sa babae. Lucas 7:38–39 Alam ng Tagapagligtas ang iniisip ng Fariseo. Sinabi Niya sa Fariseo na mas marami pang nagawa para sa Kanya ang babae kaysa sa Fariseo. Hindi binigyan ng Fariseo ng tubig si Jesus para hugasan ang Kanyang mga paa o langis para sa Kanyang ulo, tulad ng madalas gawin sa mga panauhin. Lucas 7:44–46 Sinabi ni Jesus sa Fariseo na pinatawad na ang mga kasalanan ng babae dahil minahal nito ang Tagapagligtas at sumampalataya ito sa Kanya. Sinabi ni Jesus sa babae na payapang humayo. Lucas 7:47–50; Doktrina at mga Tipan 58:42–43; Jesus the Christ, 262–63