Kabanata 54 Nagbangon si Jesus Nasa libingan ang katawan ng Tagapagligtas hanggang Linggo ng umaga. Pagkatapos ay dumating ang dalawang anghel at inalis ang malaking bato sa libingan. Mateo 28:1–2 (tingnan sa footnote 2a); Lucas 24:1–4 Isang babaeng pinagaling ni Jesus na nagngangalang Maria Magdalena ang nagpunta sa libingan. Nagulat siyang makita na naalis ang nakatakip na bato. Wala sa libingan ang katawan ni Jesus. Juan 20:1–2 Nagmamadali niyang sinabi kina Pedro at Juan na may kumuha sa katawan ng Tagapagligtas. Hindi niya alam kung saan naroon ito. Juan 20:2 Tumakbo sina Pedro at Juan sa libingan. Natagpuan nila ang telang ibinalot kay Jesus sa libing, pero wala roon ang katawan ni Jesus. Hindi alam nina Pedro at Juan ang gagawin. Umuwi sila. Juan 20:3–7, 10 Nanatili si Maria Magdalena sa libingan, na umiiyak. Pagtingin niya ulit sa libingan, may nakita siyang dalawang anghel. Juan 20:11–12 Tinanong nila si Maria Magdalena kung bakit siya umiiyak. Sinabi niya na may kumuha sa katawan ni Jesus. Hindi niya alam kung saan naroon ito. Juan 20:13 Lumingon siya at may nakitang tao. Akala niya hardinero iyon. Tinanong Niya kung bakit siya umiiyak. Tinanong ni Maria Magdalena kung alam Niya kung nasaan ang katawan ni Jesus. Juan 20:14–15 Pagkatapos sabi ng lalaki, “Maria,” at nalaman niyang iyon si Jesus. Iniutos Niya sa kanya na sabihin sa mga Apostol na Siya ay nabuhay na mag-uli. Juan 20:15–17 Sinabi ni Maria Magdalena at ilan pang babae sa mga Apostol na nabuhay na mag-uli si Jesus. Noong una hindi sila pinaniwalaan ng mga Apostol. Lucas 24:10–11; Juan 20:18 Paglaon, habang nag-uusap ang mga Apostol, dumating si Jesus sa silid. Natakot ang mga pastol. Inakala pa rin nila na patay Siya. Lucas 24:36–37 Pinahipo sa kanila ng Tagapagligtas ang Kanyang mga kamay at paa. Siya ay nabuhay na mag-uli—muling nagsama ang Kanyang katawan at espiritu. Lucas 24:38–40 Natuwa ang mga Apostol na makita Siya. Hiningan Niya sila ng pagkain. Binigyan nila Siya ng isda at pulot-pukyutan. Kinain Niya ito. Lucas 24:41–43 Si Jesucristo ang unang taong nabuhay na mag-uli. Maraming iba pang nabuhay na mag-uli pagkatapos niyon at nakita sila ng mga tao sa Jerusalem. Sabi nga ni Jesus, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay.” Dahil nadaig Niya ang kamatayan, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli balang araw. Mateo 27:52–53; Juan 11:25