Kabanata 33 Pagpapakita nang may Kaluwalhatian: Ang Pagbabagong-anyo Isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan sa ituktok ng mataas na bundok para manalangin. Mateo 17:1; Marcos 9:2; Lucas 9:28 Habang nagdarasal si Jesus, suma-Kanya ang kaluwalhatian ng Diyos. Nagningning ang Kanyang mukha katulad ng araw. Dalawang propeta sa Lumang Tipan na nagngangalang Moises at Elias ang nagpakita sa Kanya. Nag-usap sila tungkol sa Kanyang pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli. Mateo 17:2–3; Marcos 9:3–4; Lucas 9:29–31 (tingnan sa footnote 31a) Habang nagdarasal si Jesus, nakatulog ang mga Apostol. Lucas 9:32 Pagkagising nila, nakita nila ang kaluwalhatian nina Jesucristo, Moises, at Elias. Narinig nila ang tinig ng Ama sa Langit na nagpapatotoo, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.” Mateo 17:5; Marcos 9:7; Lucas 9:32, 35 Natakot ang mga Apostol at nagpatirapa. Hinipo sila ni Jesus at sinabihan silang huwag matakot. Nang mag-angat sila ng tingin, wala na ang mga sugo ng langit. Sinabi ni Jesus sa mga Apostol na huwag sabihin kaninuman ang nakita nila hanggang sa mamatay Siya at mabuhay na mag-uli. Mateo 17:6–9; Marcos 9:8–9