Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 40: Ang Mabuting Pastol


Kabanata 40

Ang Mabuting Pastol

Jesus holding a lamb - He is the good shepherd - ch.39-1

Ang pastol ay nag-aalaga ng mga tupa. Tinutulungan niya silang humanap ng pagkain at tubig. Hindi niya hinahayaang masaktan o mawala sila. Kilala at mahal niya sila at ibubuwis ang kanyang buhay para iligtas sila.

Jesus tells the people that the good shepherd gives His life for the sheep - ch.39-2

Tinawag ni Jesucristo ang Kanyang Sarili na Mabuting Pastol. Siya ang ating pastol. Tayo ang Kanyang mga tupa. Mahal Niya tayo. Tinutulungan Niya tayong malaman ang katotohanan. Tinuturuan Niya tayo kung paano mamuhay para makabalik tayo sa Ama sa Langit. Ibinuwis Niya ang Kanyang buhay para sa atin.

Jesus tells the people that He has other sheep - ch.39-3

Sinabi ng Tagapagligtas sa mga tao sa Jerusalem na may iba pa Siyang mga tupa. Sinabi Niya na dadalawin Niya ang mga tupang ito. Hindi iyon naintindihan ng mga tao.

Jesus visits the people in the Americas after His resurrection - ch.39-4

Matapos mabuhay na mag-uli si Jesus, binisita Niya ang Kanyang mga tupa sa Amerika. Nakalahad sa Aklat ni Mormon ang pagbisita Niya roon. Nanatili si Jesus nang maraming araw, na pinagagaling ang maysakit at binabasbasan ang mga tao. Binigyan Niya sila ng priesthood at inorganisa ang Kanyang Simbahan. Itinuro ni Jesus sa mga taong ito ang mga bagay na itinuro Niya sa mga tao sa Jerusalem.