Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 27: Ginagawa ang Gawain ng Kanyang Ama sa Daigdig


Kabanata 27

Ginagawa ang Gawain ng Kanyang Ama sa Daigdig

The Savior goes to the Pool of Bethesda - ch.27-1

Sa isang pista ng mga Judio, nagpunta ang Tagapagligtas sa tangke ng Betesda sa Jerusalem. Akala ng mga tao kapag gumalaw ang tubig sa tangke, gagaling ang unang taong lumusong sa tubig.

Jesus talks with a crippled man - ch.27-2

Nakita ni Jesus ang isang lalaki malapit sa tangke na 38 taon nang hindi makalakad. Araw ng Sabbath iyon. Tinanong ni Jesus ang lalaki kung gusto nitong gumaling. Sabi ng lalaki hindi siya gumagaling dahil hindi siya makaunang lumusong sa tubig kahit kailan.

Although it was the Sabbath day the Savior healed the man -ch.27-3

Sabi ni Jesus sa lalaki, “Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.” Agad gumaling ang lalaki.

The Jews say it is unlawful to do miracles on the Sabbath - ch.27-4

Maraming Judiong naniniwala na kasalanang gumawa ng himala sa araw ng Sabbath. Gusto nilang patayin si Jesus.

Jesus tells the Jews that He is doing the work of His Father - ch.27-5

Sumagot si Jesus na ginawa lang Niya sa araw ng Sabbath ang gagawin ng Kanyang Ama.