Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 45: Ang mga Lepta ng Balo


Kabanata 45

Ang mga Lepta ng Balo

Larawan
Jesus watches a rich man put much money into the treasury at the temple - ch.45-1

Nagpunta si Jesus sa templo sa Jerusalem. Minasdan Niya ang pagbibigay ng pera ng mga tao para sa simbahan. Maraming mayayamang nagbigay ng maraming pera.

Larawan
Jesus watches as a widow puts two mites into the treasury - ch.45-2

Nagbigay ang maralitang balo ng dalawang baryang tinatawag na lepta. Kaunting halaga lang iyon, pero iyon lang ang pera niya.

Larawan
Jesus tells His disciples about the widow - ch.45-3

Nakita ni Jesus ang balo at sinabi sa mga disipulo ang ginawa nito.

Larawan
Jesus tells His disciples about the rich men. A rich man is counting his money. - ch.45-4

Sabi Niya mas malaking pera ang naibigay ng mayayaman kaysa kanya, pero mas marami pa silang maibibigay.

Larawan
Jesus tells His disciples that the widow gave more than the rich man - ch.45-5

Wala nang pera ang balo. Ibinigay na niyang lahat. Mas marami siyang ibinigay sa Diyos kaysa lahat ng mayayaman.

Print