Kabanata 39 Pinagaling ni Jesus ang Bulag Isang araw naglalakad si Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo. Nakita nila ang isang lalaking isinilang na bulag. Tinanong ng mga disipulo kung nabulag ang lalaki dahil nagkasala siya o dahil nagkasala ang mga magulang niya. Juan 9:1–2 Sabi ng Tagapagligtas hindi nagkasala ang mga magulang ni ang lalaki. Bulag ang lalaki para mapagaling siya ni Jesus at maipakita sa mga tao ang kapangyarihan ng Diyos. Juan 9:3–5 Gumawa ng putik si Jesus mula sa lupa. Inilagay niya ito sa mga mata ng bulag. Pinahugasan ni Jesus sa lalaki ang mga mata nito. Juan 9:6–7 Pagkahugas ng lalaki ng putik mula sa kanyang mga mata, nakakita na siya! Juan 9:7 Nang makita siya ng kanyang mga kapitbahay, hindi nila siya makilala. Sinabi niya sa kanila na pinagaling siya ni Jesus. Dinala ng mga kapitbahay ang lalaki sa mga Fariseo. Sinabi ng lalaki sa mga Fariseo na pinagaling siya ni Jesus. Juan 9:8–11 Inisip ng ilan sa mga Fariseo na mabuting tao si Jesus. Inisip ng iba na Siya ay makasalanan. Nang sabihin ng lalaki na mabuting tao si Jesus, nagalit ang ilan sa mga Fariseo at pinalayas ang lalaki. Juan 9:13–16, 30–34 Natagpuan ni Jesus ang lalaki. Tinanong Niya ang lalaki kung naniniwala ito sa Anak ng Diyos. Tinanong ng lalaki kung sino ang Anak ng Diyos. Sinabi ni Jesus na Siya ang Anak ng Diyos, at sinamba Siya ng lalaki. Juan 9:35–38