Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 23: Ang Lalaking Hindi Makalakad


Kabanata 23

Ang Lalaking Hindi Makalakad

Jesus teaches the people - ch.19-1

Isang araw tinuturuan ni Jesus ang isang grupo ng mga tao sa isang bahay.

Some men are carrying their friend who has palsy to see Jesus - ch.19-2

Dinala ng ilang lalaki ang kaibigan nila sa isang higaan para makita si Jesus. Hindi makalakad ang kaibigan nila. Hindi siya maipasok ng mga lalaki sa bahay dahil sa dami ng tao.

The men lower their palsied friend through the roof to where Jesus is - ch.19-3

Iniakyat ng mga lalaki ang kaibigan nila sa bubong. Tinuklap nila ang bahagi ng bubong at ibinaba ang kaibigan nila sa loob ng bahay.

Jesus heals the man with palsy - ch.19-4

Nang makita Niya ang malaking pananampalataya ng mga lalaking ito, sinabi ni Jesus sa lalaking maysakit na pinatatawad na ang kanyang mga kasalanan. Sinabihan Niya ito na damputin ang kanyang higaan at umuwi na. Tumayo ang lalaki. Napagaling siya. Dinampot niya ang kanyang higaan at lumakad pauwi. Napakalaki ng pasasalamat niya sa Diyos.