Kabanata 63 Tinapos ni Pablo ang Kanyang Misyon Nagpunta si Pablo sa templo sa Jerusalem. Akala ng isang grupo ng mga Judio ay nagsama si Pablo ng mga taong hindi Judio sa templo. Ikinagalit ito ng mga Judio. Kinaladkad nila si Pablo palabas ng templo at binugbog. Ang Mga Gawa 21:26–32 Dinakip ng mga kawal na Romano si Pablo. Pinayagan nila siyang makipag-usap sa mga Judio. Nagpatotoo si Pablo sa mga tao na nakakita siya ng liwanag mula sa langit at narinig ang tinig ng Tagapagligtas. Sinabi niya na inutusan siya ni Jesus na ipangaral ang ebanghelyo. Ang Mga Gawa 21:33–40; 22:1–15 Hindi naniwala ang mga tao kay Pablo. Gusto nila siyang patayin. Ibinilanggo ng mga kawal si Pablo noong gabing iyon. Ang Mga Gawa 22:22–30 Binisita ng Tagapagligtas si Pablo sa bilangguan at sinabihan siyang huwag matakot. Sinabi Niya na pupunta si Pablo sa Roma at magtuturo ng ebanghelyo roon. Ang Mga Gawa 23:11 Para protektahan si Pablo, ipinadala siya ng mga Romano sa ibang bayan. Naroon si Haring Agripa. Sinabi ni Pablo kay Haring Agripa na dati siyang Fariseo at kinamuhian niya ang mga taong naniniwala kay Jesus. Ibinilanggo pa niya ang mga iyon. Pagkatapos ay nakakita ng liwanag si Pablo mula sa langit at narinig ang tinig ng Tagapagligtas. At naniwala siya kay Jesus. Ang Mga Gawa 23:12–35; 25:13–23; 26:1–15 Pinatotohanan ni Pablo kay Haring Agripa na ang ebanghelyo ay totoo. Sinabi niyang nabuhay na mag-uli si Jesus. Sa isang pangitain, sinabi ni Jesucristo kay Pablo na ituro ang Kanyang ebanghelyo. Dahil sumunod si Pablo, kinamuhian siya ng maraming tao. Ang Mga Gawa 26:16–23 Sabi ni Haring Agripa muntik na siyang mapaniwala ni Pablo kay Jesus. Inisip ng hari na hindi dapat patayin si Pablo. Pero kailangan niyang ipadala si Pablo sa Roma, kung saan siya lilitisin. Ang Mga Gawa 26:27–32 Nabilanggo si Pablo sa Roma nang dalawang taon. Maraming taong dumalaw sa kanya. Tinuruan niya sila ng ebanghelyo. Lumiham si Pablo sa mga Banal sa ibang mga lupain. Nasa Bagong Tipan ang ilan sa mga liham na ito, na tinatawag na mga sulat. Ang Mga Gawa 28:16–31 Alam ni Pablo na papatayin siya. Hindi siya natakot. Sinunod niya ang mga utos ng Diyos. Itinuro niya ang ebanghelyo. Natapos niya ang kanyang misyon. Alam ni Pablo na mahal siya ng Ama sa Langit. Alam din niya na pagkamatay niya, makakapiling niya ang Ama sa Langit at si Jesucristo. II Kay Timoteo 4:6–8