Kabanata 61 Sina Pablo at Silas sa Bilangguan Isang batang babae ang sinaniban ng masamang espiritu. Gustong marinig ng mga tao ang sinasabi ng masamang espiritu sa pamamagitan niya. Binayaran nila ang mga lalaking pinagtatrabahuhan niya para marinig nilang magsalita ang masamang espiritu. Ang Mga Gawa 16:16 Tuwing daraan sina Pablo at Silas, sinusundan sila ng bata. Habang nakasunod, nagsalita ang masamang espiritu. Isang araw inutusan ni Pablo ang masamang espiritu na lisanin ang bata. Lumisan nga ito. Nagalit ang mga lalaking pinagtatrabahuhan niya. Ngayo’y hindi na sila magkakapera. Ang Mga Gawa 16:17–19 Dinala ng mga lalaki sina Pablo at Silas sa mga pinuno ng bayan. Sabi nila nanggugulo raw sina Pablo at Silas. Ang Mga Gawa 16:19–22 Pinalatigo ng mga pinuno sina Pablo at Silas at ibinilanggo. Ang Mga Gawa 16:22–24 Noong gabing iyon nanalangin at kumanta ng mga himno sina Pablo at Silas sa Ama sa Langit. Narinig sila ng lahat ng nasa bilangguan. Maya-maya’y nagsimulang yumanig ang lupa. Nabuksan ang mga pintuan ng bilangguan. Ang Mga Gawa 16:25–26 Nagising ang bantay at nakitang bukas ang mga pintuan. Akala niya nakatakas ang mga bilanggo. Sinabihan ni Pablo ang bantay na huwag mag-alala. Naroon pang lahat ang mga bilanggo. Lumuhod ang bantay sa tabi nina Pablo at Silas at tinanong kung paano siya maliligtas. Ang Mga Gawa 16:27–30 Tinuruan nina Pablo at Silas ng ebanghelyo ang bantay at pamilya nito. Noong gabing iyon nabinyagan ang bantay at pamilya nito. Ang Mga Gawa 16:31–33 Kinabukasan pinalaya ng mga pinuno ng bayan sina Pablo at Silas. Nagpunta sa ibang bayan sina Pablo at Silas para gumawa pa ng gawaing misyonero. Ang Mga Gawa 16:35–40