Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 16: Ang Anak na Lalaki ng Pinuno


Kabanata 16

Ang Anak na Lalaki ng Pinuno

The son of a certain nobleman is very sick - ch.16-1

May anak na lalaki ang isang pinuno ng mga Judio na malubha ang sakit. Inakala ng lahat na mamamatay na ang kanyang anak.

The nobleman travels to the city of Cana to find Jesus - ch.16-2

Iniwan ng lalaki ang kanyang anak sa bahay at naglakbay nang maraming milya hanggang sa bayan ng Cana. Natagpuan niya roon si Jesus.

The nobleman asks Jesus to come heal his son - ch.16-3

Hiniling ng lalaki sa Tagapagligtas na sumama at pagalingin ang kanyang anak. Sinabi sa kanya ni Jesus na gagaling na ang kanyang anak. Naniwala ang lalaki kay Jesus, at umuwi na.

The nobleman returns home to find his son recovering - ch.16-4

Sinalubong siya ng kanyang mga alipin. Sinabi nila sa kanya na pagaling na at mabubuhay ang kanyang anak. Tinanong niya sila kung kailan nagsimulang gumaling ang kanyang anak. Sinabi nila sa kanya. Sa oras na iyon mismo sinabi ni Jesus na gagaling ang kanyang anak.

The nobleman sees his son recovering and he and his household have even more faith in Christ - ch.16-5

Alam ng lalaki na pinagaling ni Jesucristo ang kanyang anak. Siya at ang kanyang buong pamilya ay naniwala sa Tagapagligtas.