Kabanata 28 Pinakain ni Jesus ang 5,000 Tao Sinabi ng ilang kaibigan ni Juan Bautista kay Jesus na pinatay ng hari si Juan. Mateo 14:1–12 Nang mabalitaan ito ni Jesus, nagpunta Siya sa isang lugar malapit sa Dagat ng Galilea para mapag-isa. Maraming taong nakakaalam kung nasaan Siya. Mahigit 5,000 tao ang sumunod sa Kanya roon sa pag-asang tuturuan Niya sila. Mateo 14:13; Marcos 6:44 Tinuruan sila ni Jesus ng maraming bagay. Oras na para kumain, pero walang makain ang karamihan sa mga tao. Gusto ng mga disipulo na pabilhin ni Jesus ng pagkain ang mga tao sa pinakamalalapit na nayon. Marcos 6:34–36 Sinabi ni Jesus sa mga disipulo na tingnan kung may nagdala ng pagkain. Nakita nila ang isang batang lalaking may limang tinapay at dalawang maliliit na isda. Marcos 6:37–38; Juan 6:9 Pinaupo ni Jesus ang lahat ng tao. Binasbasan Niya ang tinapay at isda at pinagpira-piraso ang pagkain. Marcos 6:39–41 Ibinigay ng mga disipulo ang pagkain sa mga tao. Sumobra pa ito para sa lahat. Marcos 6:41–44