Kabanata 8 Ang Masamang si Haring Herodes Nasabi ng mga Pantas na Lalake kay Herodes na si Jesus ay magiging hari. Gusto ni Herodes na siya lang ang hari. Sinabi niya sa kanyang mga kawal na patayin ang lahat ng sanggol sa Betlehem at mga kalapit na lugar. Mateo 2:3, 13, 16 Sinabi ng isang anghel kay Jose na dalhin sina Maria at Jesus sa Egipto, isang bayang malayo sa Betlehem. Hindi hahanapin ni Herodes si Jesus doon. Mateo 2:13 Sumunod si Jose. Nasa Egipto sila nina Maria at Jesus nang pagpapatayin ng mga kawal ni Herodes ang lahat ng sanggol sa Betlehem at mga kalapit na lugar. Mateo 2:14, 16 Pagkamatay ni Haring Herodes, sinabi ng anghel kay Jose na iuwi na sina Jesus at Maria. Dinala sila ni Jose sa Nazaret, kung saan si Jesus ay ligtas. Mateo 2:19–21, 23